Balita

Rhian Ramos, mas pinili ang ama kaysa Cannes

- Ni NORA CALDERON

MAS mahal ni Rhian

Ramos ang kanyang amang si Gareth Howell at ang stepmother niyang si

Nuan, kaya sila ang pinili niya kaysa dumalo sa world premiere ng movie niyang

Trigonal at rumampa sa red carpet ng Cannes Film Festival nitong nakaraang Sabado, sa France.

Sa halip ay pumunta siya ng Thailand para um- attend ng 10th year anniversar­y party ng ama at wife nito. Matagal nang naniniraha­n sa Thailand ang daddy ni Rhian at owner ito ng Motral Hotel Samui doon.

Post ni Rhian sa kanyang @whianwamos Instagram: “Natutuwa talaga ako sa ganito. Baka lang isipin ng iba ‘di ito ‘yung konsepto ng isang buo na pamilya, pero para sa akin ito ang perpektong ehemplo ng buong pagmamahal natin sa isa’t isa. ‘ Yung kahit ‘di naman tayo laging magkasama, parang wala pa rin namang nagbabago, maalaga ka pa rin, makulit, malakas mang-asar, at hanggang ngayon, marunong ka pa rin pumili, ha! Mabuti naman! Dahil d’yan, lalo pang lumalaki, sumasaya at nakukumple­to ang pamilya natin.

“Nagpapasal­amat ako na nakahanap ka ng isang taong makakampih­an ka habang buhay, pero minsan, kayang basagin din ang trip mo ‘pag ‘yun ang kailangan. Hahaha, mahal ko kayong dalawa Daddio, Nuan. Mahal ko ang pamilya natin. Talaga namang dapat ipinagbubu­nyi at ipinagdiri­wang ang anibersary­ong ito... wouldnt miss it for the world, halata naman siguro, mas ito ang Cannes ng buhay ko, eh. Pasensiya na at ayokong Inglesin to, ayokong i- Thai (‘ di rin naman ako marunong)... kasi naman #AtTheEndOf­TheDay, alam kong magegets din nyo lahat ‘ yan pagkatapos ng paggu-google at lahat! Style lang ng buhay ‘yun. Nagpapakum­plikado pero simple lang pala... happy 10 years family, magpa-party kayo ulit ‘pag 15 na, ha?”

Noong Holy Week, sa Thailand din nagbakasyo­n si Rhian kasama ang kanyang buong family, her mom at ang boyfriend niyang si Jayson. Isa nga silang isang whole big family. Sa Friday na ang grand finale ng The One

That Got Away na gumaganap siya bilang palaban na si Zoe. May triple wedding kayang magaganap kina Liam ( Dennis Trillo) at Alex ( Lovi Poe); Iñigo ( Ivan Dorschner) at Darcy ( Max Collins) at sina Zoe (Rhian) at Gael ( Jason Abalos)? Abangan, after ng Kambal Karibal sa GMA-7.

 ??  ?? Rhian
Rhian

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines