Balita

Margot Kidder, pumanaw na

-

LOS ANGELES (Reuters) – Pumanaw na ang aktres na si Margot Kidder, na sumikat sa pagganap bilang Lois Lane sa mga pelikula ng Superman noong 1970s at 1980s, sa edad na 69, at bumuhos ang affectiona­te tributes mula sa Hollywood.

Sinabi ng manager ni Kidder na si Camilla Fluxman Pines na mapayapang pumanaw ang aktres habang natutulog noong Linggo sa kanyang bahay sa Livingston, Montana. Walang ibinigay na dahilan ng kanyang pagpanaw.

Lumabas ang Canadian-born na si Kidder sa mahigit 70 pelikula at TV shows, kabilang ang The Great Waldo Pepper, The Amityville Horror at ang 2014 children’s TV series na R.L. Stine’s

The Haunting Hour na nagpanalo sa kanya ng Emmy award.

Nagsimula ang acting career ni Kidder sa edad na 20 at nakilala ng buong mundo nang gampanan ang papel ng intrepid reporter na si Lois Lane sa Superman noong 1978, katambal si

Christophe­r Reeve, at sa tatlo pang sequels. “Thank you for being the Lois Lane so many of us grew up with,” pahayag ng DC Comics, ang tahanan ng Superman franchise, sa Twitter account nito. Nag-tweet ang Star Wars actor na si Mark

Hamill ng, “On-screen she was magic. Offscreen she was one of the kindest, sweetest, most caring woman I’ve ever known.”

Si Reeve ay pumanaw noong 2004 dulot ng kumplikasy­on sa spinal cord injury na natamo ng aktor noong 1995. Ang Reeve Foundation, na nagbibibig­ay ng pondo para sa research ng naturang injuries, ay nagpahayag ng kalungkuta­n sa pagpanaw ni Kidder, at iginagdag na, “Fly high, our friend, shine bright.”

Hindi nakapagtra­baho si Kidder sa loob ng dalawang taon simula nang magkaroon ng malubhang aksidente sa sasakyan noong 1990, at namulubi kalaunan. Pagkaraan ng anim na taon ay nagkaroon siya ng mental health breakdown at sa isang highly publicized episode ay naglaho siya sa loob ng apat na araw at nagpalabul­aboy. Kalaunan ay nasuri siyang may bipolar disorder.

Pagkatapos ng breakdown, wala nang nagalok ng trabaho sa kanya sa loob ng ilang taon, ngunit muling lumutang si Kidder kalaunan sa guest starring role sa TV shows gaya ng

Smallville at The L Word at sa entablado kabilang ang 2002 Broadway production ng The Vagina Monologues.

Isa rin siyang prominent political activist, na nangampany­a laban sa Gulf War, energy fracking at sumuporta kay Democrat Bernie

Sanders noong 2016 U.S. presidenti­al election. Naging American citizen si Kidder noong 2005.

Tatlong beses siyang ikinasal, kabilang na ang six-day union niya noong 1979 sa aktor na si John Heard.

 ??  ?? Margot
Margot

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines