Balita

Meghan Markle, ‘di na ihahatid ng ama sa altar

-

LONDON (Reuters) – Humihingi ng pang-unawa si Prince Harry at ang kanyang fiancee na si Meghan Markle para sa ama ng American actress matapos iulat ng U. S. celebrity news site na TMZ nitong Lunes na hindi na siya dadalo sa kasal ng dalawa sa Britain ngayong weekend. Sinabi ng TMZ na nagpasya si Thomas Markle na huwag nang dumalo sa kasal ng kanyang anak sa prinsipe, na apo ni Queen Elizabeth, dahil ayaw niyang mapahiya ang royals matapos lumutang ang mga ulat na nagpakuha siya ng paparazzi photograph­s.

“This is a deeply personal moment for Ms. Markle in the days before her wedding,” pahayag ng Kensington Palace.

“She and Prince Harry ask again for understand­ing and respect to be extended to Mr Markle in this difficult situation.”

Tumanggi ang spokeswoma­n ng prinsipe na direktang magkomento sa ulat o sabihin kung ang pahayag ay nangangahu­lugan na hindi na dadalo ang ama si Meghan sa kasal.

Nakatakda sanang ihatid ni Thomas si Meghan sa kasal nito sa St George’s Chapel sa Windsor Castle, ang tahanan ng reyna sa kanluran ng London, sa seremonya na dadaluhan ng Britain’s royals at celebritie­s, at sasaksihan ng buong mundo.

Inaasahan din sana na makakahara­p niya ang reyna, ang mister nito at iba pang senior members ng Windsor family ngayong linggo. Gayunman, nitong Linggo ay iniulat ng Mail ng Britain na pumayag si Thomas na magpakuha ng mga litrato sa isang photograph­er bago ang kanyang biyahe at ibinenta ang mga imahe sa media sa halagang $100,000 o mahigit pa.

Sinabi ng TMZ na nakausap nito si Thomas at sinabi sa kanila na nilapitan siya ng isang paparazzi agency at inalok ng pera, ngunit hindi sinabi kung magkano.

Sinabi ni Thomas na pumayag siya mga litrato sa pag- asang mapaganda nito ang kanyang imahe dahil nauna na siyang nakunan ng litrato ng paparazzi na bumibili ng beer at mukhang madungis, ayon sa TMZ.

Sinabi rin ng website na inihayag ni Thomas na nagkaroon siya ng heart attack anim na araw na ang nakalipas ngunit lumabas na sa ospital para makadalo sa kasal.

Divorced na ang mga magulang ni Meghan at kahit na nakunan ng litrato si Harry kasama ng ina niyang si Doria Ragland, mayroong mga espekulasy­on kung ano ang magiging papel ang 73-anyos nitong ama, dating lighting director ng TV soaps at sitcoms, sa kasal.

Sinabi ng Communicat­ions Secretary ni Harry sa reporters nitong nakaraang linggo na parehong lilipad mula United States ang kanyang mga magulang ngayong linggo para dumalo sa kasal ng couple.

Bago ito, sinabi ng Kensington Palace nitong Lunes na ang bride- to- be at ang kanyang ina ay manantili sa isang luxurious hotel malapit sa Windsor sa bisperas ng kasal. Nakatakda silang magkasaman­g bumiyahe patungo sa chapel sa Sabado.

 ??  ?? Meghan at Thomas
Meghan at Thomas
 ??  ?? Royal wedding souvenirs
Royal wedding souvenirs

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines