Balita

Dingdong at Piolo, magsasalpu­kan sa takilya

- Ni MELL T. NAVARRO

TULOY ang salpukan sa iisang playdate ng mga pelikula ng dalawang major actors ng Philippine cinema sa ngayon – sina Dingdong Dantes at Piolo Pascual. Sa Mayo 30 ( Miyerkules), sabay na ipapalabas sa mga sinehan ang Sid and Aya (Not A Love Story) ni Dingdong at ang Ang Panahon ng Halimaw ni Piolo. Sa Sid and Aya unang makakatamb­al sa pelikula ni Dingdong si Anne Curtis, mula sa Viva Films at N2 Films, directed by Irene Villamor.

Since it’s produced by Viva, natural na it’s for a nationwide commercial release. Sa trailer pa lang, naiintriga na ang marami na kung hindi nga love story ang Sid and Aya, e, ano ang tema ng gp pelikula?

Sa Ang Panahon ng Halimaw ay kasama naman ni Piolo si Shaina Magdayao, from Sine Pilipinas and Epicmedia, directed by the award-winning Lav Diaz.

Ang Piolo-Shaina movie ay distribute­d ito ng Globe Studios, exclusivel­y sa Ayala Cinemas, na suki na ng previous Lav Diaz movies, gaano man kahahaba ang running time

Magkatapat ang mga pelikula nina Dingdong at Piolo sa May 30 playdate pero magkaiba ang genre at captive market o audience nila.

Kung hindi man love story ang Sid and Aya ay may element pa rin ito ng romance – kahit papaano – at drama, samantalan­g ang Ang

Panahon ng Halimaw ay unique musical – first time for Direk Lav – dahil “a capella” ang pagbibitaw ng dialogues ng characters.

Kagagaling lang ni Direk Irene sa “sleeper hit” na Meet Me In St. Gallen na pinagbidah­an nina Carlo Aquino at Bela Padilla, ito ang followup film niya. Nag-shoot pa sina Dong at Anne sa Japan, hindi lang sa ‘Pinas.

Exciting ang fresh na tambalang DingdongAn­ne na malakas na chemistry sa big screen.

Hindi rin naman matatawara­n ang kahusayan ni Lav Diaz sa paglikha ng kakaibang pelikula na nagugustuh­an at kinikilala sa iba’t ibang internatio­nal film festivals. Unang nakatrabah­o ni Direk Lav si Piolo sa

Hele sa Hiwagang Hapis with John Lloyd Cruz a couple of years ago.

Nawa’y kapwa panoorin ng Pinoy moviegoers ang dalawang pelikula kapag ipinalabas sa mga sinehan.

 ??  ??
 ?? Dingdong at Anne ??
Dingdong at Anne
 ?? Shaina at Piolo ??
Shaina at Piolo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines