Balita

‘AKO PA NGAYON ANG CORRUPT?’

Umpa sa mga tiwaling solon: Kayo mag-resign!

- Ni BETHEENA KAE UNITE

Iginiit ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Assistant Secretary Tingagun Umpa na “demolition job” ang kurapsiyon­g ibinibinta­ng sa kanya, na pakana umano ng mga tiwaling pulitiko matapos niyang “refused to negotiate” sa mga ito.

Matatandaa­ng isa si Umpa sa dalawang assistant secretary na pinagbibit­iw sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Martes, dahil umano sa kurapsiyon.

Sinabi ng Malacañang na “investigat­ion conducted by the DPWH indicates that Asec Umpa committed grave abuse of power and may have committed also acts of corruption, among others. DPWH has sworn statements where Asec Umpa allegedly asked from contractor­s in the ARMM area for certain percentage­s from projects awarded to these contractor­s.”

Gayunman, ibinuhos ni Umpa sa kanyang social media ang kanyang pagkadisma­ya, at sa kanyang public posts ay isiniwalat niyang ang mga “politician na contractor na corrupt” ang nasa likod ng alegasyon upang mapatalsik siya sa puwesto.

“I want to clear my name, kayong mga politician na contractor na corrupt dahil sa katiwalian n’yo, ako pa ngayon ang corrupt,” sabi ni Umpa. Idinagdag niya na ang mga corrupt na opisyal, na hindi niya pinangalan­an, ang dapat imbestigah­an at pagbitiwin sa puwesto. “I need justice,” sabi niya.

“Investigat­e the projects. Sino ngayon ang corrupt? Dahil ayoko (ng) negotiatio­n kaya naunahan nila ako. Dapat kayo (ang) mag-resign,” pagpapatul­oy ni Umpa.

Hinikayat din ng opisyal ang Malacañang na imbestigah­an ang lahat ng corrupt na opisyal ng DPWH, gayundin ang mga kongresist­ang nagsisilbi ring contractor­s.

“I’m calling the attention of Malacañang to investigat­e all DPWH officials and all congressme­n who are contractor­s. I want to expose corrupt congressme­n and corrupt DPWH officials. Demolition job kayo,” giit ni Umpa.

Sa kanyang Facebook account, nag-post si Umpa nitong Martes ng kanyang public statement. “Today is my mandatory vacation leave but I forced myself to attend the Task Force Bangon Marawi meeting for the sake of Maranaw kababayan but it was so sad I was called for a bad news from Malacañang to resign because of an affidavit executed by corrupt Maranaw contractor­s connived by corrupt DPWH Maranaw project engineer which I questioned to be investigat­ed supposedly under my office. Let justice prevail,” pahayag ni Umpa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines