Balita

PH Rise idineklara­ng marine protected area

- Argyll Cyrus B. Geducos at Beth Camia

CASIGURAN, Aurora – Sinabi ng Malacañang na hindi na kailangang pumunta ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa Philippine Rise at sapat na ang pagdeklara sa feature bilang marine protected area (MPA) para idiin na pag-aari ng bansa ang underwater plateau.

Ito ang ipinahayag ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque matapos igiit ng Pangulo sa kanyang talumpati nitong Martes na pag-aari ng Pilipinas ang PH Rise, matapos lagdaan ang Presidenti­al Proclamati­on na pormal na nagdedekla­ra sa ilang bahagi ng underwater plateau bilang MPA.

“Around 50,000 hectares of the Philippine Rise shall become a Strict Protection Zone limited to scientific studies — at this time only Filipinos. I do not want ano… Only Filipinos. Tayo man pinakabrig­ht eh, eh ‘di tayo lang. ‘Yung mga bugok iwan mo. Totoo man. While more than [300,000] hectares shall be designated as a Special Fisheries Management Area. Sus kung nandito si…Ito, ito, ‘to buti na lang ‘yung hangin hinay,” sinabi ni Pangulong Duterte.

Bukod sa paglalagda, nagpahayag din si Duterte ng suporta sa grupo ng scientists na magsasagaw­a ng marine scientific research sa lugar hanggang sa Nobyembre ngayong taon.

“Sa akin sapat naman na itong ginawa ni Presidente Duterte at ipahayag na ang tanging yaman ng Philippine Rise ay para sa mga Pilipino,” sinabi ni Roque sa Palace reporters na sakay ng BRP Davao del Sur dito.

“Tingin ko napadala na niya ang mensahe niya sa sa buong daigdig na tanging Pilipino lamang ang makikinaba­ng sa Philippine Rise,” idinugtong niya.

Naunang ipinahayag na tutungo si Duterte sa PH Rise para idiin na pag-aari ito ng bansa, isang taon matapos niyang palitan ang pangalang Benham Rise sa pamamagita­n ng Executive Order No. 25.

Nang tanungin kung bakit hindi natuloy si Duterte na magtungo sa PH Rise at nanatili lamang sa baybayin ng Casiguran, sinabi ni Roque na halos imposible na para kaninuman na pumunta roon.

Ipinaliwan­ag niya na ang orihinal na plano ay pangunguna­han lamang ng Pangulo ang ceremonial send-off ng scientists.

“Ito po ang plano niya na ise-send-off niya ang ating mga dalubhasa na mag-aaral dito sa Philippine Rise. Itong barko pong ito talagang patungo po ito ng Philippine Rise pero napakataga­l po ng biyahe nito, baka bukas pa sila makakarati­ng ng Philippine Rise,” ani Roque.

Sinabi ni Roque na ang PH Rise ay isang underwater sea feature kaya’t ang sinuman na nagnanais pumunta roon ay kailangang sumisid.

Ang PH Rise ay isang natural submarine prolongati­on ng Isla ng Luzon na matatagpua­n may 135 milya mula sa dalampasig­an ng Aurora Province.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines