Balita

BBL larga na, Palasyo masaya

- Genalyn D. Kabiling at Bert De Guzman

Pinuri ng Malacañang ang pagpasa ng House committee report sa panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL), na isang mahalagang hakbang tungo sa pagwawakas sa ilang dekada nang rebelyon at pagsusulon­g sa tunay na kapayapaan sa Mindanao.

“We welcome the passage of the Committee Report of House Bill 6475, which provides for the Basic Law for the Bangsamoro,” saad sa pahayag ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque.

“The President has expressed his support and commitment to the Bangsamoro Basic Law as a significan­t step towards our quest for real and lasting peace in Mindanao,” dagdag niya.

Ikinalugod din ito ni Presidenti­al Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, at umaasang kaagad itong mapagtibay bilang isang batas.

“It’s another step closer to every Bangsamoro’s dream. I am confident both Houses of Congress will soon make their dreams a reality,” aniya.

Pinaboran ng House committees on local government, Muslim affairs, at peace, reconcilia­tion and unity ang BBL report nang walang mga pagbabago, sa botong 32-3, 27-3, at 27-3, ayon sa pagkakasun­od. Nilalayon nitong palitan ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ng bagong Bangsamoro region. Ang mga ipinasang panukala ay pinasama-samang HB 6475, 92, 6121 at 6263 na inakda nina Speaker Pantaleon Alvarez, Deputy Speaker Bai Sandra Sinsuat Sema, Reps. Gloria Macapagal-Arroyo at Mohamad Khalid Dimaporo. Pinagtibay ito sa bisa ng mosyon ni Quezon City Rep. Christophe­r Belmonte.

Sinabi ni Pangulong Duterte, sa pagbisita niya sa Maguindana­o noong nakaraang buwan, na posibleng magbitiw siya sa panguluhan kapag hindi naipasa ang BBL ngayong taon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines