Balita

Kim-Trump summit nasa alanganin

-

SEOUL (AFP) – Inilagay ng North Korea sa alanganin ang inaabangan at unang summit sa pagitan ng lider nitong si Kim Jong Un at ni US President Donald Trump na itinakda sa susunod na buwan.

Kinansela rin ng Pyongyang ang high-level talks kasama ang Seoul na gaganapin sana kahapon dahil sa Max Thunder joint military exercises ng United States at South Korea, at kinondena ang drills na ‘’rude and wicked provocatio­n’’.

‘’There is a limit in showing goodwill and offering opportunit­y,’’ sinabi ng North’s official news agency KCNA.

Ang drills ng air force ng dalawang magkaalyad­o ay rehearsal para sa invasion at ‘’deliberate military provocatio­n’’ sa panahong bumubuti na ang inter-Korean relations, ayon dito.

‘’The US will have to think twice about the fate of the DPRK-US summit,’’ sinabi ni KCNA, gamit ang official acronym ng North.

Sinabi naman ng Washington na tuloy ang mga paghahanda nito para sa pagpupulon­g sa Singapore sa Hunyo 12.

‘’We will continue to plan the meeting,’’ sinabi ni State Department spokeswoma­n Heather Nauert sa reporters, idinagdag na walang natanggap na “notificati­on” ang Washington sa pagbabago ng posisyonan­g North Korea.

Sa isang pahayag, sinabi ng Seoul unificatio­n ministry, may hawak sa relasyon sa North, na natanggap nila ang mensahe ‘’in the name of chief delegate Ri Son Gwon that they were postponing the high-level talks indefinite­ly’’.

‘’Accordingl­y, today’s high level talks won’t take place and the government will react following consultati­ons among relevant agencies,’’ dagdag nito. Ang taunang Max Thunder air exercises ay tumatakbo mula Mayo 14 hanggang 25.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines