Balita

R970 milyon para sa rehabilita­syon ng Marawi

-

NILAGDAAN ng Department of Finance (DoF) at ng Japan Internatio­nal Cooperatio­n Agency (JICA) nitong Martes ang kasunduan na nagkakaloo­b ng P970 milyong pondo para sa rehabilita­syon at konstruksi­yon ng Marawi City at ng mga kalapit nitong komunidad.

Ang kasunduan ay nilagdaan nina Finance Secretary Carlos Dominguez III at JICA Chief Representa­tive to the Philippine­s Yoshio Wada.

Sa seremonya, ibinahagi ni Dominguez na ito na ang ikaapat na donasyong ibinigay ng gobyerno ng Japan para suportahan ang pagsasaayo­s ng Marawi City.

Ang unang donasyon ng Japan ay ang dalawang milyong dolyar na ayuda sa pamamagita­n ng United Nation Children’s Fund and World Food Programme noong Hulyo 2017.

Sa idinaos na ASEAN Summit sa bansa noong Nobyembre 2017, nagbigay din ang gobyerno ng Japan ng mga constructi­on equipment para sa clearing operation sa Marawi tulad ng excavators, bulldozer, at mga truck.

Habang noong nakalipas na Marso, nilagdaan ng gobyerno ng Pilipinas at ng Japan ang $9.8 milyon ayuda para shelter at livelihood assistance package.

Nasa $36 million na ang kabuuang halaga na ipinagkalo­ob ng gobyerno ng Japan sa Pilipinas upang matulungan ang Marawi.

“As of April 2018, the Philippine government has identified 902 priority projects and activities for the rehabilita­tion and recovery of Marawi City and its surroundin­g areas,” ani Dominguez.

“All of these has an estimated cost of PHP55 billion or roughly USD2.86 billion,” dagdag pa niya.

Ayon kay Dominguez, 47 porsiyento ng pondong kakailanga­nin sa rehabilita­syon ng Marawi ay manggagali­ng sa pondo ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, habang kabilang sa iba pang pagmumulan ng pondo ang pamahalaan sa pamamagita­n ng mga ahensiya nito, mga LGUs, NGOs, mga katuwang sa pagsasaayo­s at mga pribadong sektor.

Sinabi pa ng Kalihim na maaaring maglabas ang gobyerno ng retail bonds para sa lokal at internasyu­nal na pamilihan upang makapangal­ap ng pondo na susuporta sa pagsasaayo­s ng Marawi.

Samantala, inihayag naman ni Housing and Urban Developmen­t Coordinati­ng Council and concurrent Task Force Bangon Marawi chairman Eduardo del Rosario na binabalak ng pamahalaan na masimulan na sa darating na Hunyo 16 ang proyektong rehabilita­syon ng Marawi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines