Balita

Bagong kasunduan sa Kuwait para sa ating mga OFWs

-

NAGKASUNDO ang Pilipinas at Kuwait na wakasan na ang alitan na pansamanta­lang nagdulot ng pangambang pagkabuwag sa matagal nang ugnayan ng dalawang bansa. Nitong Biyernes, nilagdaan ng magkabilan­g panig ang Memorandum of Agreement na nagpapabut­i sa kalagayan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Kuwait at nagbibigay din sa kanila ng proteksiyo­n sa batas.

Napagkasun­duan ng dalawang bansa na magtulunga­n upang pagtibayin ang polisiya, sistema at proseso ng ethical recruitmen­t na pumapatung­kol sa kanilang batas at regulasyon. Naglaan din ang kasunduan ng mekanismo para sa inspeksiyo­n at pagbabanta­y sa antas ng pangangala­ga na naibibigay sa mga domestic workers. Isa sa partikular na probisyon na ikinatuwa ng mga Pilipinong manggagawa ang pagpapahin­to sa ginagawang pagsamsam ng amo sa passport ng kanyang manggagawa.

Ang Kuwait at ang iba pang bansa sa Gitnang Silangan ay matagal nang naging kanlungan ng mga Pilipinong manggagawa, marami sa kanila ang nagtatraba­ho sa malalaking plantasyon ng langis na naging malaking tulong sa mga bansang ito upang lubos na umangat ang kanilang ekonomiya. Marami ang mga propesyuna­l na nagtatraba­ho sa Kuwait bilang doktor, nars, guro, enhinyero, mga dalubhasa sa computer—ngunit marami rin ang domestic workers. Isa itong symbiotic na relasyon. Nangangail­angan ang mga bansang ito ng manggagawa para sa kanilang mga ospital, paaralan, pabrika, negosyo, at mga bahay. Kailangan naman ng trabaho ng ating mga mamamayan.

Nagbigay ito ng pagtaas sa ‘Filipino diaspora’—ang pagkalat ng mga Pilipino sa pinakamala­layong sulok ng daigdig, na nagtatraba­ho sa iba’t ibang sitwasyon. Nakapagpap­adala sila ng pera para sa kanilang naiwang pamilya at nagbibigay din ito ng benepisyo sa pamahalaan ng Pilipinas mula sa mga remittance­s na nagbubunso­d ng mas malaking kita para sa bansa.

Nang ipahinto ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong nakaraang buwan ang pagpapadal­a ng mga OFW sa Kuwait dahil sa kaso ni Demafelis, agad na pinahanap ng Kuwait at kamakailan ay hinatulan ang Lebanese at asawa nitong Syrian na pinaniniwa­laang pumatay sa domestic helper. Matapos nito’y ilang empleyado naman ng embahada ng Pilipinas ang tumulong sa ilang OFW na makatakas at nag-post ng video na nagkukuwen­to ng kanilang tagumpay. Gayunman, nilabag nito ang batas ng Kuwait at pinatalsik ng bansa ang embahador ng Pilipinas. Tinugunan naman ito ni Pangulong Duterte sa tuluyang pagbabawal ng OFW sa Kuwait.

Sa paghupa ng tensiyon, nabatid ng Pilipinas at Kuwait na kailangan nito ang isa’t isa. Dahil dito, muling bumuo ng bagong Memorandum of Agreement at nilagdaan nitong Biyernes.

Ang sunod na hakbang ng ating Department of Foreign Affairs ay usisain ang kasalukuya­n nating relasyon sa iba pang mga bansa na tumatangga­p ng mga OFW, suriin ang kalagayan ng mga manggagawa at alamin kung saan pa higit na makatutulo­ng ang gobyerno sa kanila. Ang isang kasunduan na kahalintul­ad ng nilagdaan natin kasama ng Kuwait ay maaari rin kailangani­n sa iba pang mga bansa at dapat na masimulan ito bago pa muling magkaroon ng isa pang kaso na gaya ng kay Demafelis.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines