Balita

Transpo sa Boracay

- Aris Ilagan

PATULOY na sinusubayb­ayan hindi lamang ng sambayanan ngunit maging ng buong mundo ang mga kaganapan sa Isla ng Boracay.

Kilala bilang world class island paradise ang Boracay kaya maraming banyaga ang nangangara­p na makatunton­g doon.

Subalit sa nangyaring pagsasara ng isla sa mga turista ay marami ang nabigla dahil nakaplano na sana ang kanilang pagbabakas­yon sa Boracay ngayong summer season.

Sa halip na nagpipiyes­ta, ang may ari ng mga hotel at resort at maging ang mga lokal na residente ay mistulang nagluluksa dahil sa kamalasan.

Sino ba naman ang magaakala na pupuntirya­hin ito ng gobyerno bagamat marami pang ibang tourist destinatio­n ang mas marumi sa Boracay ngunit hindi naman iniintindi nang sino man?

Ganyan talaga ang buhay, maraming sorpresa.

Subalit imbes na maging lugmok at manisi ng kung sinusino, ang nararapat gawin ng publiko ay harapin ang mga hamong idinulot ng massive clean- up and reformatio­n ng Boracay Island.

Kaliwa’t kanan ang ginagawang pag-uulat ng media sa mga kaganapan sa isla tulad ng paglilinis ng mga basura, paggiba sa mga ilegal na istruktura, pagsasara ng mga pasaway na resort, at iba pa.

Ngunit may narinig o nabasa na ba kayo kung ano ang plano ng mga awtoridad sa iba’t ibang uri ng transporta­syon na nagdulot din ng pagsisikip sa nag-iisang kalsada sa Boracay?

Marahil ay wala pa.

Nitong nakaraang linggo, pinulong ng mga nasa likod ng Boracay clean up ang mga lider ng transport group sa isla at inilatag na nila ang mga bagong polisiya sa pagpapahin­tulot makabiyahe ng mga sasakyan sa gapiranggo­t na lugar.

Unahin natin ang mga tricycle. Simula ngayong Agosto, ang mga tricycle na tumatakbo sa electric motor ang papayagang makabiyahe sa isla. Magpapatup­ad ng total phase out ang mga awtoridad laban sa mga tricycle na de-gasolina.

At dahil karamihan sa mga ito ay nagtatagla­y ng 2-stroke engine na mausok, kaya maituturin­g na perwisyo sa kalikasan.

Ang mga hotel at resort ay papayagan lamang na magkaroon ng tig- 2 service van upang sumundo ng mga turista sa mga daungan ng bangka.

Hindi na rin papayagan magikot sa isla ang mga golf cart na karaniwang ginagamit ng mga mayayamang indibiduwa­l.

Maging ang mga cargo truck ay hindi na rin makapapaso­k sa isla mula sa Caticlan upang maglipat ng mga constructi­on material.

Ngayon, hindi pa rin napapagusa­pan kung ano ang mangyayari sa daan- daang motorsiklo na naglipana sa Boracay Island.

Hintayin ang susunod na kabanata.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines