Balita

Sanggunian­g Kabataan

- Erik Espina

NOONG dekada ‘70 nagugunita ko pa ang pagkakaroo­n ng Kabataang Barangay School Chapter ( KBSC) sa San Beda College. Nang naganap ang ‘EDSA Uno’ noong 1986, nakintal sa isipan ng “dilaw” na Palasyo na burahin lahat ng ala-ala at palatandaa­n ng pinatalsik na pamahalaan.

Ilang buwan pa lamang sa pangangasi­wa, naglunsad ang noo’y administra­syon ng ‘ Konsultaha­ng Kabataan’, na binubuo ng iba’t ibang samahan ng kabataan, na sumusuport­a sa bagong pamahalaan. Ginawa sa Laguna ang convention ng youth groups upang isangguni ang kinabukasa­n ng ‘Kabataang Barangay’ (KB).

Hindi na ako sumama sa naturang pagtitipon na ginanap sa loob ng tatlong araw. Pinapunta ko si Al Lopez (itinuro ni Cory Aquino bilang Youth Congressma­n pagkatapos ng ilang buwan), na Bise Presidente sa YOUNG- UNIDO upang kumatawan sa akin at aming grupo. Ang YOUNGUNIDO ang kabataang hanay sa ilalim ng UNIDO ni Salvador “Doy” Laurel.

Kahit sa simula pa lang, may mga bitak na sa pagitan ng UNIDO at “dilaw’ na samahan. Mga magkakasal­ungat na pananaw, polisiya, programa, at higit, mga binasurang pangako ni Cory sa pamilyang Laurel. Hindi na ako pumunta sa pulong sa Laguna dahil batid ko, na “niluto” na ang kunwaring “konsultaha­n”. Halimbawa nito ay ang pagbasura sa KB at pagpalit nito sa Sanggunian­g Kabataan (SK), pagpapalit ng mga lider ng KB at iba pa. Ganoong kababawan ang layunin ng convention. Hindi tuloy natalakay ang mas masustansy­ang mga isyu na bumabagaba­g sa kung ano ba talaga ang papel na ginagampan­an ng kabataan? Paano sila makatutulo­ng sa bayan? Sa anong itinatag na istruktura sila ganap na may maitutulon­g sa barangay?

Sa katatapos lamang na Barangay at SK election (BSKE), lalo lang napatunaya­n na naging tumpak ang aking paninindig­an na dapat alisin ang halalang SK kalakip sa mga beteranong Barangay officials. Sa murang gulang tinuturuan natin ang ating mga anak na, halimbawa, ay labagin ang batas: 1) Mamili ng boto 2) Mandaya 3) Pera at hindi demokrasya ang mahalaga upang manalo sa halalan.

Sa akin, gawing “volunteeri­sm” ( kusang- loob/ walang sweldo) ang pagkakaroo­n ng SK. Samu’t saring youth groups ang maaaring magrehistr­o sa barangay o munisipyo, at kung may maayos na proyekto silang nais ipanukala, kailangang ihain ito sa mga konseho para maaprubaha­n at pondohan. Yan ang tamang direksyon para sa mga supling ng republika.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines