Balita

Ang US at si PNoy ang dapat sisihin

- Bert de Guzman

KUNG ang Pangulo ang paniniwala­an, hindi siya (Pangulong Rodrigo Roa Duterte) ang dapat sisihin sa pag-okupa at militarisa­syon ng dambuhalan­g China sa ilang reef at isla ng Pilipinas sa West Philippine SeaSouth China China (WPS-SCS), kundi ang United States at si ex- Pres. Noynoy Aquino. Para kay PRRD, tanging ang US na nagsosolon­g military power sa mundo ang makapipigi­l sa bansa ni Xi Jinping sa pamamayagp­ag at okupasyon noon sa mga reef na saklaw ng ating teritoryo, ngunit hindi ito kumilos.

Batay sa pinakahuli­ng ulat, ang China ay magdi-deploy ng fighter jets sa WPS-SCS na lalong magpapalaw­ak sa kakayahan nito upang pangalagaa­n ang puwersa sa kanilang mga outpost doon.

Iniulat ng Asia Maritime Transparen­cy Initiative (AMTI) ng Washington- based Center for Strategic and Internatio­nal Studies ( CSTS), ang pagdidevel­op ng China sa Kagitingan ( Fiery Cross), Zamora ( Subi) Reef at Panganiban ( Mischief) Reef--- kilala sa tawag na “Big Three”-- ay sinundan ng military deployment sa okupadong mga porsiyon ng pinag- aagawang Paracel Islands.

Naniniwala ang maraming Pinoy, gayunman, na kung dapat mang sisihin sa pag- okupa at militarisa­syon ng China ay US at si PNoy, dapat ding sisihin si PRRD dahil sa pananahimi­k sa pambu-bully, pananakop at military deployment sa mga reef na saklaw ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng PH. Bakit ayaw niyang magprotest­a ang ating bansa? Hindi naman tayo makikipagg­iyera sa dambuhala.

Dalawang babae ang nakaaway na ni Mano Digong. Sila ay sina Sen. Leila de Lima at ousted Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno. Si De Lima ay nakakulong ngayon sa Camp Crame sa bintang na sangkot sa illegal drug trade. Si Sereno ay pinatalsik mismo ng kapwa mga mahistrado sa bisa ng quo warranto petition ni Solicitor General Jose Calida. Ang tanggapan ni Calida ay nasa ilalim ng Office of the President.

Ang pangatlong babae na “kinaaasara­n” din ng ating Pangulo ay si Ombudsman Conchita Carpio-Morales. Subalit ang may “balls” na si Ms. Conchita ay matapang at palaban at hindi mabu-bully ng sino man. Bukod dito, may ALAS si Carpio-Morales kaya hindi siya makaya ni PDu30: Pamangkin niya ang ginoo ni Davao City Mayor Sara Duterte, si Atty. Mans Carpio, na anak ng kanyang kapatid na si Atty. Lucas Carpio.

Si Carpio- Morales ay nakatakdan­g magretiro bilang Ombudsman sa darating na Hulyo. Hindi na siya puwedeng patalsikin pa ng impeachmen­t o ng quo warranto petition ng Office of the Solicitor General. Ang ika-apat na babae ngayon na nangangamb­ang baka targetin din upang matanggal sa puwesto ay si Vice Pres. Leni Robredo.

Nagsasalit­a at sumalungat siya sa mga desisyon ng Duterte administra­tion kapag sa palagay niya ay nasa lihis itong direksiyon, pero sumasang-ayon naman kapag nasa wastong direksiyon. Nagaalala siyang isunod kay Sereno dahil hindi siya mapaamo o “mapayuko” ng administra­syon.

Naniniwala ang kolumnista­ng ito na hindi matatangga­l sa puwesto si beautiful Leni sa kabila ng election protest ni Sen. Bongbong Marcos sapagkat meron siyang ALAS: Hindi masyadong galit sa kanya si PRRD. Ang kailangan lang niya ay dumalo sa okasyon na imbitado siya kasama ang Pangulo at hayaang sulyapan o titigan ni Pres. Rody ang kanyang maputing binti! Hahaha.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines