Balita

Backstreet Boys, may bagong single

-

PAGKATAPOS ng tatlong araw na social media countdown, inihayag na ng Backstreet Boys ang kanilang pagbabalik sa pamamagita­n ng bagong single. Binubuo nina Brian Littrell, Kevin Richardson, Howie Dorough, A.J. McLean at Nick Carter, sumikat ang Backstreet Boys sa kanilang hit songs na kinabibila­ngan ng I Want It That Way, Everybody (Backstreet’s Back) at As Long As You Love Me.

Ang Don’t Go Breaking My Heart ay ilalabas ngayong araw, bilang follow-up sa kanilang 2013 album na In a World Like This.

Nitong Biyernes, nag-tweet ang BSB ng silhouette photo ng kanilang kariktan, na may kasamang caption na “Ready...”.

Nitong mga nakaraang araw, nag-post naman sila ng behind- the- scenes footage na may caption na “Set...” at “Don’t Go...”

Nitong Lunes, ipinahayag na ng banda ang pinakaaasa­m ng kanilang fans, sa pamamagita­n ng pagbabahag­i ng kanilang cover art ng kanilang upcoming single. Bagamat mukhang seryoso sa larawan ang mga miyembro Backstreet Boys, mahahalata naman ang kanilang dad-like sense of humor sa kasamang caption ng larawan, na kuha sa kanilang 1997 hit single na “Everybody (Backstreet’s Back). “Excuse the dad joke but...we’re back,” tweet nila nang may winky face emoji.

Nitong nakaraang buwan, ipinagdiwa­ng ng Backstreet Boys ang kanilang ika- 25 taon sa industriya. Pagkatapos ilabas ang

Don’t Go Breaking My Heart, babalik ang banda sa kanilang tahanan sa Las Vegas, sa

Zappos Theater.

 ?? Backstreet Boys ??
Backstreet Boys

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines