Balita

Tom Wolfe, pumanaw na

-

PUMANAW

na si Tom Wolfe, ang early practition­er ng “new journalism”, na kinilala dahil sa kanyang mga makabuluha­ng pagsusulat sa Amerika, sa loob ng limang dekada, sa edad na 88, pahayag ng kanyang agent.

Ang ilan sa kanyang mga inakdang libro ay ang The Bonfire of the Vanities, The Right Stuff, at The Electric Kool-Aid Acid Test.

Binawian ng buhay si Wolfe, na siyang bumuo ng mga makabago at kakaibang parirala gaya ng “radical chic” at “the me decade,” nitong Lunes, dulot ng hindi pinangalan­anang impeksiyon, sa New York City hospital, lahad ng kanyang ahente na si Lynn Nesbit nitong Martes.

Ang mga likha ni Wolfe - fiction at nonfiction – na nagpahayag ng kariktan ng mundo ng sining mula pa noong 1960s hippie culture at tumalakay sa mga isyu ng estado, kapanyarih­an, lahi, corruption at sex.

“I think every living moment of a human being’s life, unless the person is starving or in immediate danger of death in some other way, is controlled by a concern for status,” sabi ni Wolfe sa panayam ng Wall Street Journal.

Tinawag ni Wolfe na “radical chic” ang brand pretentiou­s liberals, ang “me decade” naman ay bilang pagsusuma sa selfindulg­ence ng 1970s at ang “right stuff” upang timbangin ang intangible characteri­stics ng mga unang U.S. astronauts at kanilang mga sumunod na test pilot.

Nasa kanyang mid- 70s si Wolf nang makasalamu­ha ang mga kolehiyala, kaya niya naisulat ang nobelang I Am Charlotte Simmons, at naging fairly conservati­ve drug-free observer, suot ang coat at tie habang naglalakba­y kasama sina Ken Kesey at ang kanyang LSDdroppin­g hippie tribe na tinawag na The Merry Pranksters sa kanyang The Electric Kool-Aid Acid Test noong ‘60s.

 ?? Tom ??
Tom

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines