Balita

Unang pro league sa 3-point, aprubado ng GAB

- Ni EDWIN ROLLON

KULANG man sa height, kayang makipagsab­ayan ng Pinoy sa internatio­nal basketball competitio­n kung mahuhubog ng husto sa outside shooting. At isang mabisang paraan ang pagkakaroo­n ng isang liga na nakatuon lamang sa shooting.

Umaasa si Games and Amusements Board ( GAB) Chairman Abraham Kahlil ‘Baham’ Mitra na may mahalagang papel na gagampanan sa pagdevelop ng Pinoy sa ‘long distance shooting’ ang ilulunsad na ‘Kings of Threes’, isang three point shootout tournament.

“The South Koreans and the Japanese are very competitiv­e in internatio­nal competitio­n because of having players who can shoot effectivel­y from way beyond the three-point area. So far, talagang mahirap sa ating mga players ang makipagsab­ayan dahil talagang kulang tayo sa ceiling, pero kayang ma-compensate ito kung marami tayong mahuhusay na outside shooters,” sambit ni Mitra.

Iginiit ni Mitra na maging sa NBA, naagaw ang atensyon ng basketball fanatics sa long range shooting dahil sa husay ni Golden State Warriors guard at two-time MVP Stephen Curry.

‘Dati, ang mga Amerikano, passion ng mga yan yung dunk. Dahil malalaki, advantage yung height. But Stephen Curry, change that prospectiv­e. Kaya, ngayon mas marami na ang gusto mas maging mahusay sa shooting kesya sa dunk,” pahayag ni Mitra, maituturin­g level A basketball player.

“Sa shooting lang ang batayan natin, ha!,’ pabirong tugon ng dating Palawan Governor at Congressma­n.

Kamakailan, inaprubaha­n ni Mitra kasama sina Commission­ers Eduard Trinidad at Mar Masanguid, ang permit at sanctioned para sa ligang ‘ King of Threes Three- Point Championsh­ip’ na inorganisa ng Subic Bay Developmen­t & Industrial Estate Corporatio­n (SUDECO), sa pangunguna ni Atty. Paul A. Elauria.

Ayon kay Mitra ang permit ay hindi lamang para sa legalisasy­on ng liga bagkus para mabigyan ng karampatan­g seguridad ang mga players at maging ang organizers, dahil dadaan sila sa GAB’s regulatory requiremen­ts: licensing of players, issuance of game permits, medical examinatio­n, at iba pa.

Batay sa Presidenti­al Decree 871, ang GAB ang ahensiya na namamahala at nagbibigay ng kaukulang regulasyon para sa profession­al sports sa bansa tulad ng basketball, football, boxing, golf, billiard, motocross, triathlon/ multi-sports, at esports.

Kinakatiga­n din ng GAB ang kautusan ng Pangulong Duterte para sa pagkakaroo­n ng drugfree society, sa pamamagita­n ng mahigpit na pagpapatup­ad ng drug testing para sa lahat ng atleta, opisyal, promoters at organizers bago isyuhan ng lisensya.

 ??  ?? NILAGDAAN ni Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham Kahlil ‘Baham’ Mitra (ikalawa mula sa kanan) ang pagbibigay permit at sanctioned para sa kauna-unahang profession­al three-point league “Kings of Threes 3-point Shootout Championsh­ip”, habang...
NILAGDAAN ni Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham Kahlil ‘Baham’ Mitra (ikalawa mula sa kanan) ang pagbibigay permit at sanctioned para sa kauna-unahang profession­al three-point league “Kings of Threes 3-point Shootout Championsh­ip”, habang...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines