Balita

DoJ chief tutol buwagin ang PCGG, OGCC

- Jeffrey G. Damicog

Sinabi kahapon ni Justice Secretary Menardo Guevarra na hindi dapat i-abolish ang Philippine Commission on Good Government (PCGG) at Office of the Government Corporate Counsel (OGCC).

Ito ang paninindig­an ni Guevarra matapos aprubahan ng House of Representa­tives (HoR) nitong Martes ang House Bill 7376 na nagpapatib­ay sa Office of the Solicitor General (OSG) para akuin ang lahat ng mga trabaho ng PCGG at OGCC, na kapwa bubuwagin.

“We respect the action of the HoR,” sinabi ng Kalihim sa text message.

“But we’ll maintain our position to keep PCGG and the OGCC under the wings of the DoJ (Department of Justice),” ani Guevarra.

Nasa ilalim din ng DoJ ang OSG ngunit magiging hiwalay na ahensiya na ito kapag naisabatas ang panukala.

Samantala, inamin ni Guevarra na hindi pa niya natatalaka­y ang panukala kay Pangulong Rodrigo Duterte, na may kapangyari­hang harangin ang pagpasa nito sa pamamagita­n ng veto.

“Malayo pa naman yan. No counterpar­t bill in the Senate,” punto niya.

Ilang senador na ang nagpahayag ng pagtutol sa panukalang batas.

Ang Senate Committee on Justice, sa pamumuno ni Sen. Richard Gordon, ay hindi pabor sa paglilipat ng kapangyari­han ng PCGG sa OSG dahil ang ganitong transfer “is the quickest way to forget” ang pagbawi sa umano’y bilyun-bilyong nakaw na yaman ng pamilya Marcos.

Sinabi naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na mahalagang ahensiya ang PCGG at dapat na panatilihi­n at patatagin.

“I oppose it. I am taking into position that there will be difficulti­es if we abolish the PCGG and the Office of the Government Corporate Council,” ani Drilon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines