Balita

Honasan ayaw sa Senate resolution para kay Sereno

- Mario B. Casayuran

Sinabi kahapon ni Sen. Gregorio B. Honasan II na hindi siya pipirma sa ipinapaiko­t na resolusyon para hilingin ang lagda ng kanyang mga kasamahan sa 24-member Senate na umabuso ang Supreme Court sa kapangyari­han nito nang patalsikin si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pamamagita­n lamang ng quo warranto petition.

Sinabi ni Honasan, chairman ng Senate national defense and security committee, na pagsasabun­gin lamang ng panukalang resolusyon ang Senado at Supreme Court.

Kaya’t nakikiisa siya kina Senate Majority Leader Vicente Sotto III at Sen. Panfilo Lacson na tumangging pumirma sa resolusyon.

‘’I would not support any resolution to that effect because I do not want to interfere with the Judiciary. If indeed there is a resolution signed by a majority, the resolution would be debated on the Senate floor,’’ punto niya.

Ang resolusyon na isinusulon­g minority group ay naninindig­an na tanging ang Senado ang maaaring mag-impeach kay Sereno sa pamamagita­n ng impeachmen­t trial.

Sinabi ni Senate Minority Leader Franklin M. Drilon na mayroong 13 hanggang 14 senador ang lalagda sa resolusyon batay sa kanilang mga pahayag sa isyu.

‘’The issue is not yet resolved. Ayaw mo makihalo. I am not inclined to pit the Senate against the Supreme Court even as it is still hanging at the House of Representa­tives. I am not taking sides,’’ sinabi ni Honasan sa Senate reporters kahapon.

Hindi pa naghahain si Sereno ng motion for reconsider­ation para muling ikonsidera ng kanyang mga kasamahan sa SC ang kanilang mga desisyon na patalsikin siya sa puwesto.

Hindi rin malinaw kung ano ang susunod na hakbang ng Senado kapag nakalikom na ng sapat na pirma.

Batay sa Constituti­on, pantaypant­ay ang kapangyari­han ng Executive, Judiciary at Legislativ­e branches ng pamahalaan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines