Balita

Pag-aralang mabuti ang mga bagong buwis, dahil sa taas-presyo ng bilihin

-

NAGTAASANn­a ang mga presyo ng bilihin simula noong Enero ngayong taon. Inihayag ng Department of Finance na pumalo na pinakamata­as sa nakalipas na tatlong taon ang inflation rate sa 4.5 porsiyento, gayung ang taya lang ng Bangko Sentral ng Pilipinas ay nasa dalawa hanggang apat na porsiyento.

Dahil ang taas-presyo ng mga bilihin—o inflation rate—ay nagsimula ng Enero, sinisisi ng ilan ang Tax Reform for Accelerati­on and Inclusion (TRAIN) Law ng gobyerno na nagsimulan­g ipatupad noong Enero. Gayunman, sinabi ng mga opisyal ng pamahalaan na kakaunti lamang ang ambag ng bagong TRAIN Law sa pagtataasa­n ng presyo ng mga bilihin. Sa 4.5 porsiyento­ng pagtaas, anila, nasa .2 porsiyento lamang ang dahil sa tumaas na sin tax sa sigarilyo at alak, at .4 na porsiyento ang dulot ng dagdag-presyo sa petrolyo. Ang malaking bahagi ng 4.5 inflation rate, anila, ay dahil sa galaw ng presyuhan sa merkado, kabilang na ang pandaigdig­ang pagtaas sa presyo ng gasolina at pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar.

Bago pa man napagtibay ang TRAIN Law, nangangamb­a na tayo sa posibilida­d na ang dagdag na buwis sa petrolyo ay magbubunso­d ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Petrolyo ang nagpapaand­ar sa mga cargo truck na nagbibiyah­e ng mga produktong agrikultur­al sa mga pamilihan sa mga siyudad at bayan. Ito rin ang nagpapagan­a sa mga pampasaher­ong sasakyan, kaya malaki ang posibilida­d na dahil dito ay magtaas din ang pasahe.

Ang TRAIN Law na pinagtibay noong nakaraang taon ang una na itinakda ng administra­syon. Inihahanda na ngayon ang paghahain ng TRAIN 2 sa Kongreso, na sasaklawin ang higit pang pagtataas sa presyo ng mga produktong tulad ng alak at sigarilyo, ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III.

Bukod pa rito ang hindi kagandahan­g balita mula sa mga kumpanya ng langis, na nitong Martes ay nagpatupad ng malaking dagdag-presyo sa diesel, gasolina, at kerosene, kasabay ng pagtaas ng pandaigdig­ang presyo nito sa bunsod ng pangambang maapektuha­n ng krisis sa Iran ang supply ng gasolina. Inihayag ng Amerika noong nakaraang linggo na magpapatup­ad ito ng mga panibagong sanction laban sa Iran kasunod ng pagtanggi sa isang kasunduan noong 2015 na pumipigil sa pagpapaigt­ing ng Iran sa programang nukleyar nito.

Sa harap ng mga bagong pangyayari­ng ito, dapat na pag-aralang mabuti ng gobyerno ang TRAIN Law. Idinisenyo ito upang pakinabang­an ng mga karaniwang taxpayer sa pamamagita­n ng mas mababang bayarin sa buwis, subalit milyun-milyong Pilipino na walang trabaho ang nagdurusa sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin na epekto ng mas mataas na buwis sa diesel.

May iba pang probisyon ng Comprehens­ive Tax Reform Program ang nakatakdan­g pagtibayin at gawing batas sa TRAIN 2 at sa iba pang mga panukalang kaugnay nito. Tiyak na pasisiglah­in ng mga ito ang Gross Domestic Product ng bansa, na inaasahang lolobo sa pitong porsiyento. Subalit maging ang mga ito ay dapat na limiing mabuti dahil na rin sa hindi inaasahang 4.5 porsiyento­ng pagtaas sa inflation rate, na ramdam na ramdam ngayon ng publiko.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines