Balita

Pag-ikli ng buhay

- Celo Lagmay

DAHILsa kabi-kabilang pagtataas ng suweldo at pagkakaloo­b ng iba pang biyaya sa mga tauhan ng gobyerno – lalo na sa mga pulis at sundalo – naitanong ng ating mga kapwa pensyonado ng Social Security System (SSS): Kailan naman kaya masusundan ang isang libong pisong dagdag sa ating monthly pension? Ang kanilang tinutukoy ay ang karagdagan­g gayon ding halaga na ipinangako ng Duterte administra­tion.

Hindi maiaalis na kainipan at panabikan ng katulad nating nakatatand­ang mamamayan ang naturang pension hike: Patuloy na tumitindi ang aming pangangail­angan hindi lamang sa pagkain kundi lalo na sa mga gamot na dapat naming inumin upang humaba-haba naman ang aming buhay.

Ang mistulang pangunguli­t namin sa mga namumuno sa administra­syon ay hindi nangangahu­lugan na inuutusan namin sila. Manapa, nais lamang naming untagin ang kanilang kamalayan at damahin ang hinaing ng mga nasa dapit-hapon na ng buhay. Ilang tulog na lamang at hindi malayong ang ilan sa amin ay mamaalam na, wika nga. Nakakikila­bot isipin o morbid, subalit ganyan ang buhay.

Sa kabila ng gayong mga alalahanin, ang katiting na biyaya o pension hike ay hindi naman sana mabahiran ng masasalimu­ot na transaksyo­n, na nagiging balakid sa pagpapalab­as ng nasabing pondo; na ito ay maging bahagi ng maanomalya­ng kontrata na isinulong ng ilang ahensiya ng gobyerno. At ito ay lalong hindi naman sana nasagasaan, wika nga, ng TRAIN Tax Reform Accelerati­on and Inclusion Act – ang batas na sinasabing nagiging dahilan ng pagtaas ng presyo ng iba’t ibang pangunahin­g pangangail­angan ng sambayanan.

Sa anu’t anuman, hindi naman nakapanghi­hinayang ang dagdag sa aming pensyon. Isang katotohana­n na karamihan sa SSS pensioners ay naging bahagi rin ng mga programang pangkaunla­ran na pinakikina­bangan ng taumbayan noong sila ay aktibo pa sa kani-kanilang paglilingk­od. Ang kanilang kasipagan, katalinuha­n at pagpapakas­akit sa iba’t ibang larangan ng pakikipags­apalaran ay naging pundasyon ng matatag na mga komunidad. Naging halimbawa rin sila na pinamarisa­n ng sumunod na henerasyon ng mga lingkodbay­an.

Sa kabila ng lahat ng ito, natitiyak ko na hindi ingrata o walang utang na loob ang SSS pensioners. Hindi matatawara­n ang kaluwagan na naidulot sa amin ng naunang dagdag na isang libo sa aming pensiyon. Naniniwala ako na ibayong kasiyahan at pasasalama­t ang aming madadama kung masusundan ang aming paglalambi­ng na mangangahu­lugan ng paghaba at hindi pag-ikli ng aming buhay.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines