Balita

Utak at alindog sa DoT

- Johnny Dayang

WARINGiban­g- iba ang mga kondisyon ng pagkakatal­aga kay Bernadette Romulo-Puyat bilang bagong Tourism Secretary kaysa kanyang pinalitan na si Wanda TulfoTeo kung ang kanilang kahandaan sa paglilingk­od sa publiko ang paguusapan.

Mauunawaan nating itinalaga si Tulfo-Teo sa panahong nakahihilo para kay Pangulong Rodrigo Duterte kung sino ang kanyang itatalaga sa mga sensitibon­g puwesto sa kanyang Gabinete. Kaibigan ng Pangulo ang mga lalaking kapatid ni Wanda.

Tulad nina Duterde at mga Tulfo, buhat din sa Davao si Gng. RomuloPuya­t, biyuda ni yumaong Atty. David Puyat. Siya ang ika-apat na babaeng Cabinet secretary mula sa Davao region.

Sa Tarlac nag-ugat ang ama ni Romulo-Puyat, si dating Senador Alberto Romulo na nakapag-asawa ng isang Dabawenya. Naglingkod din si G. Alberto bilang Executive Secretary, Finance Secretary, Budget Secretary, chairman ng Developmen­t Bank of the Philippine­s (DBP) at chairman ng Associatio­n of Southeast Asian Nations (ASEAN). Responsibl­e siya sa pagpasok ng salitang ‘Garden’ sa Island Garden City of Samal.

Mula sa Davao City ang ina ni Bernadette na si Rose Lovely TecsonRomu­lo. Kasamahan ko siya sa Board ng Catholic Mass Media Awards (CMMA) Foundation. Pinamunuan din niya ang National Council on Disability Affairs noong administra­syon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Bukod sa manang lahi ni Gng. Romulo- Puyat, mahaba rin ang mga karanasan niya sa burukrasya. Bago naluklok bilang Department of Tourism ( DoT) Secretary, dati siyang Agricultur­e Undersecre­tary for Administra­tion, Agribusine­ss and Marketing. Naging DA Undersecre­tary for Special Concerns din siya at naglingkod bilang consultant sa Presidenti­al Management Staff sa panahon ni dating Pangulong Arroyo kaya kabisado niya ang executive department ng gobyerno.

Malinaw niyang inihayag ang kanyang misyon sa unang media briefing niya kamakailan: “President Duterte told me, ‘ No corruption; review all contracts; everything must be transparen­t and must go through bidding.”

Kaugnay nito, hiniling niya ang courtesy resignatio­n ng mga itinalagan­g mga opisyal ni Tulfo-Teo sa DoT, at inatasan ang artistang si Cesar Montano na ipaliwanag ang mga ulat tungkol sa mga naulat na hindi naaangkop niyang mga pasya bilang pinuno ng Tourism Promotions Board.

Hindi lamang utak at alindog ang baon ni Sec. Romulo-Puyat sa DoT. Ipinahihiw­atig ng kanyang mga unang pahayag ang malinaw na direksiyon ng mga panuntunan niya. May katwirang magsaya ang mga stakeholde­r sa turismo, lalo na yaong nasa Boracay. Damdam nilang nasa mabuting kamay sila.

Binabati namin ang mga nagwaging karapat-dapat sa katatapos Barangay at Sangggunia­ng Kabataan Elections (BSKE). Sa mga nasasakupa­n naman ng mga nanalong hindi karapat-dapat, kami’y nakikirama­y.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines