Balita

Dingdong, tuloy na ang pagdidirih­e sa show ni Marian

- Marian at Dingdong – Nitz Miralles

MATUTULOYn­a ang matagal nang hinihintay ng fans nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na mag-guest bilang director ang una sa Tadhana, ang Saturday drama anthology ng GMA-7 hosted by Marian at siya rin ang magiging artista.

Si Dingdong ang director ng anniversar­y episode ng Tadhana na ang nabasa naming working title ay Bahrain. Gagampanan ni Marian ang role ni Jackie Humabon, may asawa at may dalawang anak. Ipinost ni Dingdong sa kanyang IG story ang script ng episode na wala pang nakalagay na gaganap bilang dalawang anak at asawa ni Marian.

Samantala, busy ang schedule ni Dingdong dahil simula na ng promo para sa movie nila ni Anne Curtis na Sid & Aya ( Not A Love Story) na sa May 30 ang playdate, mula sa direction ni Irene Villamor. Maganda ang trailer ng pelikula na habang sinu-shooting pa lang ay inaabangan na kung kailan mapapanood.

Anyway, pumirma ng Memorandum of Agreement (MOA) si Dingdong bilang kinatawan ng Pinoy Foundation para sa GMA Network Excellence Award na tumutulong sa kabataang Pinoy na gustong mag-aral. Nagbibigay sila ng scholarshi­p sa kabataang gustong makatapos ng pag-aaral.

Post ni Dingdong pagkatapos ng MOA contract signing: “See that smile on my face? That’s

just a glimpse of how happy i am whenever i wear my “other” hat. I am looking forward to another year of partnershi­p with GMA for the GMA Network Excellence Award (GNEA), as we continue our search for the country's outstandin­g student leaders who are taking up communicat­iob and technology- based courses.”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines