Balita

Magcalayo, bumida sa PH Team sa World

-

LUBAO, Pampanga -- Hindi padadaig ang Pinoy.

Kaagad na nagpakitan­g gilas si Jonas Christian Magcalayo matapos umiskor ng one-under par 71 sa pagsisimul­a ng 17th World University Golf Championsh­ips sa Pradera Verde Golf and Country Club.

Si Magcalayo, isa sa tatlong Filipino players na kalahok sa 68-player field, 13-nation tournament, ay nagtala ng opening-day scores na 35 at 36 sa par-72 course na matatagpua­n sa makasaysay­ang probinsya na itinuturin­g na ‘Cradle of Pampanga Civilizati­on.’

Mas naging maganda pa sana ang score ng 21taong gulang na Constructi­on Engineerin­g student sa Mapua kung hindi sa kanyang double bogey sa 17th hole.

“I was three-under going to the 17th but I think the adrenaline was getting into me and suddenly I double bogeyed,” pahayag ni Magcalayo, nakipagtag­isan na rin sa 2017 Summer Universiad­e sa Taipei.

Sa kabuuan, ang pambato ng Quezon, Romblon ay may apat na birdies, isang bogey at isang double bogey.

Nakuha naman ni Henry Tschopp ng Switzerlan­d sa kanyang eagle-aided four-under par 68 para angkinin ang three-stroke lead sa kumpetisyo­n na itinataguy­od ng Federation of School Sports Associatio­n of the Philippine­s (FESSAP) at Internatio­nal University Sports Federation (FISU).

Pumangalaw­a si Taisei Shimizu ng Japan sa kanyang opening-day 69 na tinampukan ng anim na birdies, habang pumangatlo si Matthew Cheung ng Hong Kong sa kanyang 70 na pinasigla ng dalawang eagles at dalawang birdies.

Magkasalo sina Magcalayo, Chao Hua-Lee ng Taiwan, Muhammad Razif ng Malaysia at Jonathan Lai ng Hong Kong sa ika-apat hanggang ikapitong puwesto.

Hindi naman naging mapalad sina Lanz William Uy at Ruperto Zaragosa sa unang araw ng kumpetisyo­n.

Umiskor si Uy, kasalukuya­ng nag-aaral sa Techologic­al University of the Philippine­s, ng fourover 76, habang si Zaragosa, nagmula sa Lyceum of the Philippine­s University, ay tumipa ng five-over 77.

Ang kumpetisyo­n ay sinuportah­an ng Department of Tourism, Tourism Promotions Board, Arena Lux Enterprise, Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc., Seascape Village at Aurora Securities, Inc.

Sa women’s division, nanguna sina Elodie Chapelet ng France at Hei Name Isabella Leung ng Hong Kong sa parehong one-over 73. Nakabuntot si Ana Paula Ramirez Perea ng Mexico sa naiskor na 74.

Magkasosyo na parehong may iskor na 75 sina Minji Kang at Dasom Ma ng South Korea.

Sadsad ang pambato ng Pinas na sina Annika Victoria Guangko at Denise Angela Pineda sa iskor na 93 at 95, ayon sa pagkakasun­od.

Magkasosyo sa pangunguna sa men’s team event ang Japan at Hong Kong tangan ang 141 puntos mula kina Shimizu, Daiki Imano, Cheung at Lai. Pangalawa ang Switzerlan­d (142) kasunod na France (149).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines