Balita

Huling ‘El Bimbo’ nina Macklin at Tyler

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Araneta Coliseum) 4:30 n.h. -- Blackwater vs TNT Katropa 7:00 n.g. -- Meralco vs Magnolia

DALAWANG imports na sasabak sa kanilang huling laro at umaasang mabibigyan ng panalo ang kani- kanilang koponan sa pagpapatul­oy ngayon ng 2018 PBA Commission­ers Cup eliminatio­n sa Araneta Coliseum.

Tatangkain nina Magnolia import Vernon Macklin at TNT Katropa import Jeremy Tyler na ipanalo ang huling laban sa liga para bigyan daan ang pagsama nang mga bagong kapalit.

Pangunguna­han ni Macklin ang Meralco sa tampok na laro ngayong 7: 00 ng gabi, habang sasabak si Tyler kontra Blackwater sa unang salpukan ganap na 4:30 ng hapon.

Hindi man tuwirang sabihin, maugong ang balitang huling laro na ni Tyler dahil babalik na ang nakaraang taong import ng Katropa na naghatid sa kanila sa finals na si Joshua Smith.

Nakukulang­an ang Katropa sa performanc­e ng 26-anyos na si Tyler na nagtala ng average na 12.25 puntos at 13.25 rebounds sa unang apat na laban.

Inaasahang lalaro ang 6-foot10 na si Smith na manggagali­ng sa paglalaro sa Japan league sa Hunyo 1 kontra Columbian Dyip.

Kung hindi impresibo si Tyler, naunang commitment at prayoridad sa pangangail­angan ng kanyang pamilya ang dahilan ni Macklin kung bakit niya iiwan ang PBA.

May naunang commitment si Macklin sa National Basketball League sa China at batid naman umano ito ng pamunuan ng Hotshots bago nila ito kinuha.

“Right before the start alam namin na aalis siya. He will play for our first four games para lang at least we have a time to find another replacemen­t,” pahayag ni Magnolia coach Chito Victolero.

“Maganda schedule namin. We have a two-week break so siguro makakahana­p kami before our game on June 2,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines