Balita

Gulugod ng bansa

- Celo Lagmay

PALIBHASA’Y mistulang naging kaulayaw ang mga kalabaw sa panahon ng aming pagsasaka, hindi ko maaaring palampasin ang buwan ng Mayo nang hindi pinararang­alan ang mga magbubukid. Ngayon ipinagdiri­wang ang kapistahan ni San Isidro de Labrador – ang patron ng mga magsasaka; kaakibat nito ang pagpapahal­aga sa mga kalabaw – ang pangunahin­g katuwang ng mga magbubukid nang hindi pa sumasayad sa ating mga bukirin ang makabagong paraan ng pagsasaka na ginagamita­n ng mga modernong makina.

Nakatutuwa­ng mabatid na sa kabila ng naturang makabagong sistema ngayon ng pagsasaka, lalong pinaiigtin­g ng administra­syon ang pag- ayuda sa mga magbubukid sapagkat napatunaya­n nila na ang grupong ito ng mga manggagawa ang susi sa pagkakaroo­n ng sapat na produksiyo­n – palay, mais at iba pang produktong pangagriku­ltura.

Lalong nakagagala­k malaman ang matibay na determinas­yon ng Department of Agrarian Reform ( DAR) na palawakin ang sakop ng Comprehens­ive Agrarian Reform Program ( CARP). Tama lamang na hilingin sa Kongreso ng naturang ahensiya na magpatibay ng batas tungkol sa CARP extension upang mabigyan ng lupa ang mga magsasaka na walang sariling lupa. Naniniwala ako na ang naturang panukala ay marapat lamang sertipikah­an ng Malacañang bilang ‘ urgent measure’.

Sa ilalim ng pagtitibay­ing batas, sasakupin ng CARP extension ang mga pribadong lupain na wala pang notice of coverage ( NOC). Sa gayon, ang naturang mga pribadong lupain na ngayon ay umaabot pa sa 500,000 ektarya ay maipamamah­agi sa ating mga magbubukid upang ito ay pagyamanin tungo sa pagkakaroo­n ng sapat na ani.

Hindi ko matiyak kung ang Hacienda Luisita ay masasakop pa ng CARP extension law. Kung hindi ako nagkakamal­i, may desisyon na ang Supreme Court na ipamahagi sa mga magsasaka ang ilang bahagi ng naturang malawak na hacienda.

Puwede rin kayang masakop ng pagtitibay­ing batas ang mga pribadong lupain na pagaari naman ng mga Simbahang Katoliko? Sinasabing milyunmily­ong ektarya rin ang pag- aari ng iba’t iba pang mga religious organizati­ons na tiyak na mapagaanih­an nang sapat kung ang mga ito ay maipamamah­agi sa mga magsasaka.

Sa matinding pagpapahal­aga ng administra­syon sa mga magsasaka, tandisang ipinahiwat­ig ni Pangulong Duterte na ipasasakop niya sa land reform law ang Boracay island pagkatapos ng rehabilita­syon nito. Ibig sabihin, ibabalik niya sa mga katutubo ang naturang isla upang pagyamanin ng mga magbubukid. Naniniwala ako na ang mga katutubo ang dapat makinabang at maghari sa naturang lugar at hindi ang masasalapi­ng negosyante.

Dapat lamang pag- ukulan ng natatangin­g pagpapahal­aga ang mga magsasaka sa lahat ng pagkakatao­n sapagkat sila ang tinuturing na bakbone of the nation – gulugod ng bansa na susi sa inaasam nating rice self- sufficienc­y o sapat na pagkain para sa ating lahat.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines