Balita

28 milyon magbabalik-eskuwela

- Nina Merlina Hernando-Malipot at Mary Ann Santiago

Inaasahan ng Department of Education (DepEd) ang pagdagsa ng nasa 28 milyong magbabalik-eskuwela sa mga pampubliko at pribadong paaralang elementary­a at sekundarya­parasaScho­olYear2018-2019.

Batay sa datos mula sa DepEd Planning and Programmin­g Division hanggang nitong Mayo 10, natukoy na ang bilang ng enrollees para sa SY 20182019 ay 27,757,546—sa mga pampubliko at pribadong paaralan at sa State Universiti­es and Colleges (SUCs) at Local Universiti­es and Colleges (LUCs).

Ayon sa datos, nasa 2,949,870 ang enrollee sa Kindergart­en; 13,867,819 sa elementary­a (Grades 1-6); 8,126,239 sa Junior High School (Grades 7-10); at 2,813,618 sa Senior High School (Grades 11-12).

Para sa SY 2017-2018, nakapagtal­a ang DepEd ng kabuuang 26.3 milyon estudyante sa mga pampubliko at pribadong eskuwelaha­n, mas mataas ng 5.6 porsiyento sa enrolment noong 2016.

Una nang itinakda ang pagsisimul­a ng SY 2018-2019 sa Hunyo 4.

Sa Mayo 28 naman sisimulan ang taunang Brigada Eskuwela, na magtatapos sa Hunyo 2.

Kaugnay nito, muling bubuhayin o ire-reactivate ng DepEd bukas, Mayo 21, ang National Oplan Balik Eskuwela (OBE) nito para sa SY 2018-2019.

Nabatid na ang reactivati­on ng OBE ay isasagawa sa Bulwagan ng Karunungan sa DepEd Central Office sa Pasig City.

Sa ilalim ng OBE, ang DepEd Central Office ay magtatatag ng OBE Informatio­n and Action Center (IAC) sa Bulwagan ng Karunungan, na magsisilbi­ng informatio­n at complaints processing at routing zone sa buong panahon ng proyekto, o hanggang sa Hunyo 8.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines