Balita

Mag-asawa, 8 pa huli sa ‘drug den’

- Mary Ann Santiago

Arestado ang 10 katao sa buybust operation sa umano’y drug den sa Tondo, Maynila kamakalawa.

Kinilala ni Manila Police District director, Police Chief Supt. Joel Napoleon Coronel ang mga suspek na sina Arlene Florez; kapatid niyang sina Archie at Arman; Jomar Llanes; Guillermo Duron; George Valencia; Eduardo Ulatan, Jr.; Leomar Guevarra; Rolenz Robert Trinidad; at alyas Jay-R, pawang taga-Tondo.

Batay sa ulat mula sa tanggapan ni Police Supt. Jerry Corpuz, commander ng MPD-Station 7, sinalakay ng awtoridad ang isang barung-barong sa Panday Pira Extension Street, sa Tondo, dakong 11:30 ng gabi.

Ayon kay Police Chief Insp. William Sagmayo, ilang araw na silang nagsagawa ng surveillan­ce sa isang barung-barong sa lugar na iniulat na ginagawang drug den at pasugalan.

Target sa operasyon ang magasawang sina Arlene at Jomar, na may-ari ng bahay at kapwa nasa drug watchlist ng pulisya.

Nakabili ang poseur buyer ng P300 halaga ng shabu sa magasawa bago sinalakay ng pulisya ang lugar.

Narekober sa mga inaresto ang 15 pakete ng hinihinala­ng shabu; isang kalibre .38 na baril na kargado ng apat na bala; at drug parapherna­lia.

Sinasabing pinaparent­a ng magasawa ang lugar sa mga drug users, sa halagang P20 kada tao, para pangtustos sa pangangail­angan ng pamilya.

Ilan sa mga inaresto ang tumangging gumagamit sila ng droga at sinabing nagsusugal lamang sila nang dumating ang mga pulis.

Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines