Balita

Cavaliers, may kakayahang makabawi sa laban

-

INDEPENDEN­CE, Ohio (AP) — Walang nag-aakalang mararating ng Cleveland Cavaliers ang kasalukuya­ng sitwasyon matapos ang pinagdaana­ng hirap sa regular season.

Subalit, laban sa mas bata at determinad­ong Boston Celtics, ‘ tila kakaibang hamon na kanilang malusutan ang Cavaliers. Naghahabol ang defending Eastern Conference champion sa 0-2, subalit walang alalahanin sa Cavs.

“We know what it takes,” sambit ni coach Tyronn Lue. “We’re down 0- 2. No need to panic.”

“We know what we’ve got to do,” pahayag naman ni All-Star forward Kevin Love matapos ang ensayo ng koponan.

Inaasahan ang mas matikas na Cavs sa paglarga ng Game Three sa Sabado (Linggo sa Manila).

Hindi estrangher­o ang Cavaliers sa naturang sitwasyon.

Noong 2016 season, naghabol ang Cleveland sa 2-0 at 3-1 sa NBA Finals sa Golden State, ngunit nagawa nilang makabangon para maibigay sa Cleveland ang unang kampeonato sa nakalipas na 52 taon nang gapiin ang Warriors sa Game Seven.

Sa kabila nito, tangan ng Boston ang momentum na kailangang magamit ng Celtics.

We’re just gonna try to use it,” sambit ni forward Marcus Morris.

Tulad ng inaasahan, bumangon si James mula sa malamyang opensa sa Game One sa natipang 42 puntos, 12 assists at 10 rebounds sa Game two. Ngunit, hindi nakaahon ang Cavs bunsod ng kakulangan sa suporta.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines