Balita

‘Senate President Sotto’, OK sa Palasyo

- Argyll Cyrus B. Geducos

Naniniwala ang Malacañang na hindi magbabago ang ugnayan ng Malacañang at ng Senado sa ilalim ng napipisil na bagong Senate President na si Senator Tito Sotto.

Ito ang tiniyak ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque kasunod ng mga ulat na 15 senador ang pumabor sa draft resolution na naghahalal kay Sotto bilang bagong Senate President kapalit ni Sen. Koko Pimentel.

“Nirerespet­o naman po namin ang karapatan ng mga senador na pumili ng kanilang pinuno. Hindi po nanghihima­sok ang Presidente at ang Palasyo d’yan sa proseso ng pagpili ng bagong Senate President,” sabi ni Roque.

Kumpiyansa naman si Roque na mananatili ang mabuting ugnayan ng Palasyo sa Mataas na Kapulungan kahit pa si Sotto na ang mamumo sa Senado.

“Ako naman po ay naniniwala, at naniniwala po ang Palasyo na kahit sino pong mahalal na Senate President, at ang balita po ay si Senator Tito Sotto, eh, napakalapi­t din pong alyado (ni Pangulong Duterte) ni Senator Tito Sotto,” sabi ni Roque. “Wala pong magbabago sa malapit na samahan at sa kooperasyo­n na ngayon po ay mayroon sa panig ng Senado at ng Malacañang.”

Napaulat na nasa 14 na senador ang lumagda sa manifesto na nagpapahay­ag ng kagustuhan sa reorganisa­syon ng liderato ng Senado at inihalal si Sotto bilang bagong Senate President.

Ang 14 na senador na lumagda sa nasabing resolusyon ay sina Sonny Angara, Nancy Binay, JV Ejercito, Chiz Escudero, Sherwin Gatchalian, Richard Gordon, Gringo Honasan, Ping Lacson, Loren Legarda, Manny Pacquiao, Ralph Recto, Joel Villanueva, Cynthia Villar, at Migz Zubiri.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines