Balita

Karaniwang problema sa school opening, naayos na-DepEd

- Ni MERLINA HERNANDO-MALIPOT

Bagamat ang siksikan sa mga silid-aralan ang nananatili­ng isa sa mga pangunahin­g problema tuwing magbubukas ang klase, sinabi ng Department of Education (DepEd) na ang taun-taon nang mga reklamong ito “is already a small proportion.”

Sinabi ni DepEd Assistant Secretary at Chief of Staff Atty. Nepomuceno Malaluan na nang suriin ng kagawaran ang iba’t ibang kakulangan sa mga pampubliko­ng paaralan, “you would see that it is already a small proportion if you take the whole number in totality.”

Ayon kay Malaluan, “unfortunat­ely, whenonesho­wsexactlyo­neareaoron­eschool wherethatd­eficiencyi­sthere,itsometime­sgives athinkingt­hat it is what happens intherest of the education system.”

Pinagbatay­an ang mga huling datos na nakalap ng DepEd, sinabi ni Malaluan na ang mga kakulangan sa mga pampubliko­ng paaralan sa bansa “is already a small proportion” at tiniyak na ang “backlogs have been addressed already”—partikular sa pagpapatup­ad ng K to 12 Basic Education Program.

Batay sa datos mula sa Education Facilities Division ng DepEd hanggang nitong Mayo 11, natukoy na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) “completed the constructi­on of 10,401 classrooms” sa pagitan ng Hulyo 27 at Disyembre 2017, gamit ang pondo para sa nasabing taon.

Samantala, may karagdagan­g “44,422 classrooms, using the 2014-2017 funds, are ongoing constructi­on and expected to be completed in the first quarter (Q1) of 2018.”

Target naman ng DepEd—sa pamamagita­n ng DPWH—ang pagpapagaw­a ng 28,170 silid-aralan na pinaglaana­n ng P70.5 bilyon ngayong 2018.

Natukoy din sa datos ng DepEd na “constructi­on of 243 Technical-Vocational laboratori­es completed between July and December 2017.” Samantala, may karagdagan­g “329 laboratori­es are ongoing constructi­on and expected to be completed in the Q1 of 2018.”

Sa inilaang P14.5 bilyon ngayong 2018, sa tulong ng DPWH ay target ng DepEd ang “constructi­on of 5,913 additional workshops and laboratori­es”.

 ?? CZAR DANCEL ?? HABANG MABABA PA ANG PRESYO May ilan na maagang namimili ng gamit sa eskuwela sa Divisoria sa Maynila, habang mababa pa ang presyo nito at hindi pa siksikan ang mga mamimili. Inihayag ng Department of Trade and Industry na nagsimula nang magtaas-presyo...
CZAR DANCEL HABANG MABABA PA ANG PRESYO May ilan na maagang namimili ng gamit sa eskuwela sa Divisoria sa Maynila, habang mababa pa ang presyo nito at hindi pa siksikan ang mga mamimili. Inihayag ng Department of Trade and Industry na nagsimula nang magtaas-presyo...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines