Balita

10 patay sa Texas HS shooting

- Ulat ng ASSOCIATED PRESS at AGENCE FRANCE-PRESSE

Arestado ang isang 17-anyos na armadong estudyante matapos mamaril sa loob ng paaralan ng Santa Fe High School sa Texas nitong Biyernes, kung saan 10 katao ang nasawi sa itinuturin­g na pinakamala­lang kaso ng pamamaril matapos ang Florida massacre, tatlong buwan pa lamang ang nakalilipa­s.

Hawak na ng mga pulis ang suspek na si Dimitrios Pagourtzis, nag-aaral din sa nasabing paaralan, na kinasuhan ng murder at maaari umanong mahatulan ng death penalty.

Nakuha rin ng awtoridad sa loob ng paaralan ang ilang pampasabog kabilang na ang isang “CO2 device”, ayon kay Texas Governor Greg Abbott na tinawag ang trahedya na, “one of the most heinous attacks that we’ve ever seen in the history of Texas schools.”

“Nothing can prepare a parent for the loss of a child,” pahayag ni Abbott.

Sinabi ni Abbott na base sa journal ng suspek, nais nitong magpakamat­ay ngunit hindi nito magawa.

Dagdag pa niya, walang “warning signs” ang suspek, na wala ring record ng anumang kasong kriminal bagamat nag-post ito sa Facebook ng isang larawan suot ang isang T-shirt na may nakasulat na “Born to Kill”.

Dalawang tao naman ang ikinonside­rang “people of interest” na kasalukuya­ng iniimbesti­gahan at ang isa umano sa mga ito ay maaaring may “certain informatio­n” sa nangyari habang ang isa pa ay dahil naman umano sa “suspicious reactions” nito.

Nagdulot naman ang trahedya ng muling pagkuwesti­yon sa gun regulation na ipinatutup­ad sa Amerika lalo’t kamakailan lamang nang mamatay ang 17 katao sa katulad na kaso ng pamamaril sa Parkland, Florida.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines