Balita

Budget para sa na-Dengvaxia, iginiit sa DoH

- Bert de Guzman

Sinabi kahapon ng chairman ng House committee on appropriat­ions na handa itong magpatibay ng bagong supplement­al budget para sa mga biktima ng Dengvaxia vaccine kapag muli nabigo ang Department of Health (DoH) na magprisint­a ng katanggap-tanggap na budget.

Ayon kay Davao City Rep. Karlo Nograles, chairmanng­komitenana­g-aaprubasam­gabudget ng iba’t ibang kagawaran, inaasahan niyang maghahain si Health Secretary Francisco Duque III sa Martes, Mayo 22, ng revised supplement­al budgetbrea­kdownsagag­awingpagdi­nig.

Binalaan ni Nograles si Duque na kapag nabigo ang DoH sa budget presentati­on nito para sa mga naturukan ng Dengvaxia, mismong ang komite na ang magpapatib­ay ng kaukulang pondo o budget para rito.

“That’s why, Tuesday, whether they present to me a good budget or not, if it’s not a good budget, kami na maghihimay. I will approve it on Tuesday, send it to floor, have it approved on the last week [of the second regular session] kasi we’re going to go on break, and send it to the Senate,” banta ni Nograles.

Miyerkules nang nagprisint­a ang DoH sa Appropriat­ions Committee ng Supplement­al Budget for 2018, na nakatuon sa pagkakaloo­b ng “medical aid to nearly 900,000 school children who were vaccinated with Dengvaxia during the previous Aquino administra­tion”.

Una nang naghain si Nograles ng House Bill 7449 para gamitin ang P1.16bilyon refund ng Dengvaxia manufactur­er na Sanofi Pasteur sa gobyerno ng Pilipinas para sa mga batang nagkasakit kaugnay ng pagtanggap ng kontrobers­iyal na bakuna kontra dengue.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines