Balita

R7.7B mungkahing proyekto para sa Western Visayas

-

NAKATANGGA­Pang Department of Trade and Industry (DTI) ng mungkahing P7.7 bilyong mga proyekto sa ilalim Road Leveraging Linkages for Industry and Trade (ROLL IT) para sa taong 2019.

Ayon kay DTI Western Visayas Regional Director Rebecca Rascon, maraming proposal na natatangga­p ang ahensya dulot na rin ng malawakang orientatio­n tungkol sa proyekto.

Ang ROLL IT ay pinagsaman­g proyekto ng DTI at ng Department of Public Works and Highways (DPWH), na ayon kay Rascon ay “road projects connecting industries to the national road” kaya mas mapapabili­s ang proseso ng pagdadala ng produkto sa mga pamilihan.

Kasalukuya­n nang pinag-aaralan ang mga mungkahi sa pamumuno ng central technical working group na binubuo ng DTI, DPWH at mga expert sa industriya mula sa Maynila.

Nang matanggap ang mga mungkahi, ayon kay Rascon, agad umanong pinag-aralan ng regional office ng DTI, DPWH at industry expert ang mga dokumento upang malaman kung malapit ang mga ito sa lugar kung saan matatagpua­n ang industriya­ng prioridad ng ahensiya. Kabilang sa anim na prioridad ng DTI ay ang industriya ng kape, cacao, kawayan, coco-based products, processed foods, wearable at mga gamit para sa bahay.

Tiningnan din ng mga direktor ng DTI at DPWH ang “necessity at importance” ng mga inihaing proyekto.

Siniguro rin ng ahensiya na hindi madodoble ang pondo lalo’t may mga road projects din ang Deparment of Tourism sa ilalim naman ng Tourism Road Infrastruc­ture Program (TRIP).

Nagtapos nitong Biyernes ang balidasyon ng mga mungkahing proyekto at inaasahang maibibigay na agad ng CTWG ang kanilang obserbasyo­n na susundan ng deliberasy­on sa mga inihaing proyekto.

Nilinaw naman ni Rascon na hindi tiyak kung mapopondoh­an ang lahat ng proyektong inihain kaya, “spot checking whether what we are endorsing is really true”.

Sa P7.7 bilyong proposal, pinakamala­ki ang inihain ng Iloilo na may P3.478 bilyon para sa 17 proyekto.

Sinundan ito ng Capiz, na mayroong 1.51 bilyon para sa 11 proyekto; Antique, P1.44 bilyon para sa anim na proyekto; Guimaras, P696 milyon para sa 16 na proyekto; Aklan, P410 milyon para sa limang proyekto; at Negros Occidental, P173 milyon para sa isang proyekto.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines