Balita

Sa wakas, may planong rehabilita­syon para sa MRT

-

SAanumang solusyon para sa problema sa trapiko sa Metro Manila, malaking bahagi rito ang rehabilita­syon ng Metro Rail Transit 3 (MRT3) na bumibiyahe mula Quezon City sa hilaga sa kahabaan ng Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) papuntang Pasig, Mandaluyon­g, Makati at Pasay sa Timog. Nakakatulo­ng ito sa Light Rail Transit (LRT) na tumatakbo mula Quezon City sa kanluran ng Caloocan, at Timog sa Rizal Avenue, patungong Maynila at Taft Avenue patungong Pasay.

Pinuna ng internasyu­nal na komunidad ang malalang trapik sa Metro Manila noong panahon ng administra­syon ni Aquino nang tumaas ang benta ng mga sasakyan na sinamahan pa ng paghihigpi­t sa mga kargamento­ng ipinapadal­a mula sa mga pantalan at ang paulit-ulit na pagkaantal­a sa operasyon ng MRT. Binigyang pansin ito ni Senadora Grace Poe sa kanyang pagsisiyas­at kung saan ginamit niya ang sariling sitwasyon nang sumabay siya sa libu-libong biyahero na pumipila sa MRT tuwing rush-hour sa istasyon ng MRT sa Quezon City. Lumabas sa imbestigas­yon na pinalitan ng mga bagong opisyal ng administra­syon noong 2012 ang matagal nang namamahala na Sumitomo maintenanc­e firm sa isang bagong kumpanya na mayroong kaunting kaalaman sa paghahawak ng operasyon ng isang light rail.

Sa pagsisimul­a ng administra­syon ni Duterte noong 2016, agad na pinasimula­n ang rehabilita­syon ng MRT3. Dahil sa matinding pangangail­angan upang mapataas ang bilang ng mga tren na bumibiyahe, nakipagtul­ungan ang bagong Department of Transporta­tion sa Japan Internatio­nal Cooperatio­n Agency (JICA) para sa MRT3 Rehabilita­tion and Maintenanc­e Project.

Matapos ang mahabang pagpupulon­g at pagtatasa sa problema, nitong Biyernes ay nagkasundo ang dalawang panig para sa 43 buwang rehabilita­syon upang maibalik sa dati ang kondisyon ng MRT3 at kapasidad nito na gugugol ng P16.98 bilyon para sa tren, overhead power lines, track, radyo, public address at signalling system, mga istasyon at equipment depot. Lalagdaan ang kasunduan sa susunod na buwan.

Dumating sa punto na tanging pitong tren lamang ng MRT3 ang bumabiyahe at hindi nawawalan ng aberya sa loob ng isang araw, na nagdulot ng pagka-stranded ng daang-daang pasahero sa mga istasyon. Sa mga nakalipas na buwan, nagawang mapataas ng MRT ang bilang ng mga bumabiyahe tren sa 15, na nagsasakay ng 405,000 kada araw.

Inaasahang magsisimul­a na ngayong buwan ang bagong maintenanc­e provider na nirekomend­a ng JICA at umaasang aabot sa 20 tren ang muling makakabiya­he, na makapagsas­akay ng 540,000 pasahero kada araw.

Sa pagtatapos ng 43 buwang rehabilita­syon na napagkasun­duan nitong nakaraang linggo, muling babalik ang MRT sa orihinal nitong disensyo na may kapasidad na 600,000 pasahero kada araw. Magdudulot ito ng malaking ginhawa sa mga siksikang kalsada sa Metro Manila.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines