Balita

Gladys, na-miss ang pananakit sa katrabaho

- Ni NITZ MIRALLES

NA-MISS ni Gladys Reyes ang manakit ng kaeksena dahil mabait ang role niya sa last teleserye niya sa GMA-7 na Oh, My Mama. Kaya excited siyang balikan ang pagiging kontrabida sa Inday Will Always Love You .

Si Barbie Forteza ang sasaktan ni Gladys sa rom-com series na magpa-pilot na ngayong gabi pagkatapos ng Kambal Karibal. May eksenang inihuhulog niya si Barbie sa second floor ng bahay na nahirapan silang kunan.

“May double si Barbie noong mahuhulog na siya, pero sa simula ng eksena, kaming dalawa ang gumawa noon. Ayaw naming dayain at ayoko ring mandaya ng eksena as much as possible. Kaya ang mga sampalan at sabunutan, totoo kong ginagawa at alam ‘yun ng kaeksena ko. Mula pa sa Mara Clara, hindi na ako nandadaya ng eksena,” sabi ni Gladys. Kahit kontrabida ang role, hindi hirap sa kanyang mga eksena si Gladys dahil romcom ang serye, walang heavy drama at kung may dramahan man, ang kasunod ay laging comedy. Kuwento pa ni Gladys, masaya sila sa set lalo na sa mga eksena sa Cebu maliban sa pagsakay sa Ro-Ro. “First time kong sumakay ng Ro-Ro at takot ako dahil takot ako sa tubig dahil hindi ako marunong lumangoy. Pero nagawa kong sumakay, achievemen­t sa akin ‘yun at navlog ko pa nga,” aniya. Nabanggit ni Gladys na may pa-acting workshop siya sa mga bata na gustong pumasok sa showbiz. Abangan ang announceme­nt sa kanyang social media account kung kailan at kung saan gagawin ang workshop na tinawag niyang Moment Ko ‘To Gladys Reyes Acting Workshop.

 ??  ?? Gladys
Gladys

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines