Balita

Marie Lozano, binisita si Lee Dong-Wook at sets ng K-dramas

-

MALAYOman ang South Korea sa Pilipinas, napaglalap­it naman ang dalawang bansa ng pagmamahal sa musika, pag-ibig, pagkain, at pagpapagan­da. Ito ang natutuhan ng ABS-CBN reporter na si Marie Lozano sa kanyang pagdalaw sa South Korea para sa dokumentar­yong Hallyu and I ng ABS-CBN Docu Central na mapapanood ngayong gabi sa ABS-CBN’s Sunday’s Best pagkatapos ng Gandang Gabi Vice.

Samahan si Marie sa pagbisita sa mga lugar na naging tagpuan ng mga sikat na Korean drama series tulad ng Goblin, na dalawang beses ipinalabas sa ABS-CBN. Makakapana­yam niya ang Korean superstar na si Lee Dong-Wook, na gumanap na Grim Reaper, pati na rin mga kilalang K- Pop artists.

Bukod sa magagandan­g tanawin sa South Korea tulad ng Gangwon, ipapakita rin ni Marie ang mga pagkain sa bansa mula sa mga tradisyuna­l na inihahain sa mga hari at reyna hanggang sa simple at modernong kombinasyo­n ng beer at manok.

Itatampok din ang mga uso ngayon pagdating sa pagpapagan­da at pananamit sa pagpunta ni Marie sa shopping district na Myeongdong.

Ang Hallyu and I ay produksyon ng Docu Central ng ABS-CBN Integrated News sa tulong ng Korea Tourism Organizati­on. Nais ng dokumentar­yo na maintindih­an ang tinatawag na “Hallyu” phenomenon sa mundo na nagsimula pa noong 90s, at malaman ang dahilan kung bakit patok ang K-drama at K-Pop sa mga Pilipino.

Huwag palampasin ang kapana-panabik na adventure sa kulturang Koreano ni Marie Lozano ngayong gabi sa ABS-CBN’s

Sunday’s Best at sa Miyerkules ( Mayo 23), 8 PM sa Docu Hour sa ANC at ANC HD. Manood online sa iwantv. com. ph o skyondeman­d. com. ph. Sundan ang @ Docu Central sa Facebook at Twitter. Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Twitter, Facebook, and Instagram o bisitahin ang www.abscbnpr.com.

 ??  ??
 ??  ?? Marie
Marie
 ??  ?? Marie
Marie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines