Balita

Premiere event ng ‘13 Reasons Why,” kanselado dahil sa Santa Fe shooting

- Variety

KINANSELAn­g Netflix ang Los Angeles premiere night ng 13 Reasons Why Season 2, nitong Biyernes, kasunod ng Santa Fe High School shooting, na kumitil sa buhay ng sampu katao, nitong Huwebes, pahayag ng streaming service.

“Our hearts are with the victims of the Santa Fe High School shooting, and with all victims of gun violence,” lahad ng Netflix sa isang pahayag. “In light of today’s tragedy, we are cancelling the 13 Reasons Why S2 premiere event tonight.”

Ayon sa ulat ng Variety, inaasahang dadalo sina series stars Katherine Langford, Dylan Minnette, Kate Walsh, Alisha Boe, Christian Navarro, Brandon Flynn, Miles Heizer, Justin Prentice, Ross Butler, at iba pa, gayundin ang executive producer nito na si Selena Gomez.

Tanyag ang 13 Reasons Why— at lumikha na ng kontrobers­iya – dahil sa tinalakay na seryosong paksa noong Season 1. Napanood sa drama ang iba’t ibang pangyayari na nauwi sa pagpapakam­atay ng teenager na si Hannah Baker, dahil sa sensitibon­g paksa, gaya ng pangmomole­stiya at bullying.

Tampok din dito ang pagbanggit ng gun violence. Sa katapusan ng Season 1, naospital ang karakter ni Heizer, si Alex, nang magbaril sa sarili. Ipinakita rin sa season ang outcast na si Tyler ( Devin

Druid) bitbit ang itinagong mga baril. Sa Season 2, sinimulan ng Netflix ang prefacing ng bawat episode ng 13

Reasons Why sa pamamagita­n ng video warning, at mapapanood dito ang animo’y pagkakasan­gkot ng cast members sa triggering topics sa series.

Ilan sa stars ng show, kabilang sina Minnette, Boe, at Navarro, ang nag-tweet din ng pagkabigla at pagkalungk­ot sa naganap na shooting sa Santa Fe High School.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines