Balita

R11- M shabu naharang sa NAIA

- Mina Navarro

Dalawang shipment ng shabu ang naharang ng Bureau of Customs (BoC) sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA) sa magkahiwal­ay na pangyayari sa terminal sa NAIA sa Pasay City.

Ayon kay Commission­er Isidro Lapeña, ang dalawang shipment ng shabu, na may bigat na 2,375.5 gramo, ay tinatayang nagkakahal­aga ng P11.87 milyon.

Ang isa sa mga package, na naglalaman ng 2,031 gramo ng shabu, ay nakapangal­an kay Juey Cuenca ng Imus, Cavite at naharang noong Abril 27. Ito ay ipinadala sa isang Stephanie Morse.

“The other was seized on April 23 containing 344.50 grams of shabu and is consigned to Susano Trinidad of Cubao, Quezon City. The sender is a certain Audio Schit,” ani Lapeña.

Ang mga package na nagmula sa California, USA ay idineklara bilang medicine cabinet at unan, ayon sa pagkakaban­ggit.

Natuklasan­g droga ang laman ng mga padala sa pamamagita­n ng CustomsNAI­A examiner. Ang mga parcels ay isinailali­m sa X-ray, K9 sweeping, field test na gumagamit ng chemical identifier at reagent at natuklasan­g may ilegal na droga, ayon pa kay Lapeña.

Nadiskubre rin na gawa-gawa lamang ang consignees at address ng pagdadalha­n ng naturang mga package.

“In support of the anti-drug campaign of President Rodrigo Duterte, we have intensifie­d our anti-drug operations at the ports, and so we were able to apprehend eight drug shipments in March and April in NAIA alone,” pahayag ni Lapeña.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines