Balita

Cariño kampeon sa Le Tour

- Marivic Awitan

BAGUIO CITY – Pangatlo lamang na nakatawid sa finish line si El Joshua Cariño ng NavyStanda­rd Insurance sa final stage, ngunit sapat na ito para makopo ang korona kahapon sa 2018 Le Tour de Filipinas.

May tatlong segundong agwat mula sa pumapangal­awa sa kanya sa individual classifica­tion ang nakababata­ng kapatid na si Daniel Ven ng 7-Eleven Cliqq Roadbike Philippine­s bago magsimula ang 4th stage kahapon, hindi nagpabaya si Cariño at nanatiling nakaagapay sa mga nagbantang umalpas kahapon paakyat ng Baguio upang tanghaling ikatlong Filipino rider na nagtagumpa­y sa Le Tour de Filipinas.

Tinapos ng tubong Mangaldan, Pangasinan ang karera na may distansiya­ng 154.65 kilometro na nagsimula sa Lingayen paakyat sa Burnham Park sa tiyempong 4: 07.54 -- dalawang minuto at dalawang segundo ang agwat sa stage winner na si Eritrean Metkel Eyob ng Terrenganu Cycling Team ng Malaysia na nakatawid sa finish line sa tiyempong 4:05:52.

“Nung andun ako, iba na yung padyak ko eh. Bawat padyak, may kaba talaga, kasi ayoko rin naman ipahiya yung mga Filipino na umaasa,” pahayag ni Carino.

”Hanggang ngayon di parin ako makapaniwa­la,” dagdag nito

Nagtala ng 1- 2 finish ang magkakampi­ng sina Eyob at Australian na si Drew Morey sa final stage sa pagtatangk­ang agawin ang yellow jersey kay Cariño, ngunit hindi nagpabaya ang Pinoy rider partikular sa bahaging akyatin sa pagsuporta na rin ng kanyang mga kakampi at kapwa Pinoy riders.

Ang 25-anyos na si Cariño ang ikatlong Filipino rider kasunod nina Baler Ravina noong 2012 at Mark John Lexer Galedo noong 2014 na nagkampeon sa UCI sanctioned race.

Nalaglag at nakatawid na pang20 kahapon, tumapos si Daniel Ven na pampito sa overall individual classifica­tion at naging konsolasyo­n niya ang pagtatapos bilang Best Young Rider.

Bukod sa magkapatid, ang iba pang mga Pinoy riders na nakapasok sa top 10 ay sina Stage 2 winner Ronald Oranza ng Navy na siyang pumangatlo kasunod ng sumegundan­g si Eyob, ang kanilang kapitan na si Jan Paul Morales na pumang-apat,, ang mga 7 Eleven riders na sina Galedo at Felipe na pumang-anim at pumangwalo at si Go for Gold rider Ismael Grospe na pumang-siyam.

Nagawa namang panatilihi­n ng Navy at 7-Eleven ang kanilang 1- 2 puwesto sa team general classifica­tion sa pagtatapos ng karerang inorganisa ng Ube Media at sanctioned din ng PhilCyclin­g sa ilalim ni Congressma­n Bambol Tolentino at chairman Bert Lina, sa pakikipagt­ulungan ng Air21 at Cargohaus Inc.

Samantala, bukod sa pagiging kampeon, si Cariño rin ang nagwaging Best Filipino rider at Best Sprinter habang si Eyob naman ang Best Climber.

 ??  ?? CARIÑO BRUTAL! Napasuntok sa hangin si El Joshua Cariño nang masiguro ang kampeonato sa Le Tour de Filipinas.
CARIÑO BRUTAL! Napasuntok sa hangin si El Joshua Cariño nang masiguro ang kampeonato sa Le Tour de Filipinas.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines