Balita

Suspek sa QC cop slay, laglag

- Nina MARTIN A. SADONGDONG at FER TABOY

Inaresto ng awtoridad ang umano’y hitman na kinikilala­ng pangunahin­g suspek sa pagpatay sa isang police officer na nakatalaga sa Camp Crame at pagsugat sa isa pa sa Antipolo City, Rizal kamakailan, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Inaresto ng Antipolo police si Crispin Corpin, nasa hustong gulang, ng Barangay Dela Paz, Antipolo City sa follow up operation sa Barangay San Isidro dalawang araw matapos ang pagpatay kay Police Officer 3 Don Carlo Mangui nitong Linggo, ayon kay PNP chief Director General Oscar Albayalde sa isang press briefing sa Camp Crame.

Ayon kay Albayalde, ang 32anyos na parak ay pinatay ng tatlong armado sa tapat ng kanyang bahay sa Bg.y Dela Paz habang umiinom ng alak kasama ang mga kaibigan, dakong 1:45 ng madaling araw. Ang pinatay na parak ay ballistici­an sa Camp Crame Crime Laboratory sa loob ng pitong taon, dagdag niya.

Mabilis na tumakas si Corpin at ang dalawa niyang kasabwat, sina Archie Casas alyas Jovan at Alvin Dolim, patungo sa Padilla Street at pagsapit sa Marcos Highway, pinaputuka­n ang dalawang motocycle rider, sina Crist Baquiran at Abraham Canlapan. Tinamaan ng bala si Baquiran sa pisngi ngunit nakaligtas sa atake.

Sinabi ni Albayalde na posibleng inisip ng mga suspek na nasaksihan nina Baquiran at Canlapan ang insidente kaya pinatay nila ang mga ito.

Ayon pa kay Albayalde, labaspasok si Corpin sa kulungan dahil sa magkakaiba­ng kaso kabilang ang dalawang taong pagkakakul­ong dahil sa trespassin­g at anim na taon sa homicide.

 ?? KEVIN TRISTAN ESPIRITU ?? GUNMAN? Iniharap kahapon nina Regional Director Chief Supt. Guillermo Eleazar, ng Police Regional Office 4A, at Police Director General Oscar Albayalde sa mga mamamahaya­g sa Camp Crame, Quezon City ang umano’y suspek sa pagpatay kay PO3 Don Carlo...
KEVIN TRISTAN ESPIRITU GUNMAN? Iniharap kahapon nina Regional Director Chief Supt. Guillermo Eleazar, ng Police Regional Office 4A, at Police Director General Oscar Albayalde sa mga mamamahaya­g sa Camp Crame, Quezon City ang umano’y suspek sa pagpatay kay PO3 Don Carlo...

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines