Balita

Janella at Jameson, cute at nakakakili­g

- Ni REGGEE BONOAN

I’Mso connected sa pelikula nina at na nagsimula nang ipalabas ng Regal Films sa mga sinehan kahapon mula sa direksiyon ng millennial and box office hit director na si

Jameson Blake Janella Salvador Jason Paul Laxamana.

Cute at sadyang pangmileny­al uli ang So

Connected pero kahit sa Generation X kami kabilang ay may konek pa rin sa amin dahil para kaming ibinalik ng pelikula sa high school days namin.

Ang pagkakaiba lang namin noong araw, wala pang cellphone kaya hindi namin nakukunan ang taong crush namin o taong interesado sa iyo nang hindi niya nalalaman.

Ligaw- tingin ang tawag noon kapag palihim mong sinisipat- sipat ang crush mo o taong may gusto sa ‘yo, na siyempre nakakakili­g.

Iba na ngayon, kapag kinunan mo ang isang tao o anumang bagay ay puwedeng i- upload agad sa social media accounts, kaya mas mabilis ang connection tulad ng nangyayari kina Karter (Jameson) at Trisha (Janella).

Naka-connect kasi sa isang “Storebox” applicatio­n ang nawalang cellphone ni Karter na naibenta ng isang batang nakapulot nito kay Trisha, kaya lahat ng ina- upload ng dalaga sa bagong biling gadget ay namomonito­r ng binata na nagkagusto sa kanya.

Nakatira sa magkaibang lugar sina Kartel at Trisha pero dahil sa social media ay nahanap ng una ang pinagtatra­bahuhan ng huli at nalaman din ang mga paborito nitong stuff. Kaya nang maging magkaibiga­n sila ay ibinibigay ng binata ang lahat ng gusto ng dalaga na nag-isip tuloy na baka soulmates sila.

Naging habit na ni Karter na abangan sa “Storebox” ang lahat ng mga nangyayari sa araw-araw na buhay ng dalaga o sa madaling sabi ay naging stalker na.

Pero matinong tao si Karter at malinis ang naging hangarin kay Trisha, kung hindi, e, napahamak na ang dalaga.

Pros and cons sa mga adik sa social media, at sa mga taong walang magawa sa buhay kaya nagiging bashers, ang mensahe ng So Connected.

Kung mabuti ang pagkatao o layunin mo sa buhay, maganda rin ang dulot ng social media. Kung masama ka, masama rin siyempre ang magagawa mo rito.

Nagkaisa ang lahat ng mga nanood sa premiere night nitong Martes ng So Connected, “Bagay na love team sina Jameson at Janella, may kilig sila at ang cute nila sa big screen, fresh looking.”

Totoo naman talaga, bagay kay Janella ang papel na jologs at kikay. Bagamat hindi naman jolog, baka sa personal ay masayahin din si Janella at kayang humarap sa problema, minus the jejemon messages.

Gulat na gulat sina Jameson at Janella sa magandang resulta ng pelikula pagkatapos ng premiere night, kaya puring-puri nila ang direktor nilang si Jason Paul.

“First time po kasi naming mapanood nang buo ang pelikula at sobrang galing nga talaga ni Direk Jason,” sabi ng dalawang bida.

Tila may panghihina­yang naman sa parte ni Jameson.

“I’m satisfied with the movie, but I know I can do better. I mean, I’m satisfied naman with my performanc­e but for me, I know I can do better. Some changes but all in all okay naman that was good,” sabi ng aktor.

Habang pinapanood namin ang pelikula ay naghihiyaw­an ang kanya-kanyang grupo ng supporters nina Jameson at Janella considerin­g na hindi naman talaga sila love team.

“Ang saya-saya nga kasi upon hearing their reactions, it validates you as an artist, sobrang nakakatuwa at nakakakili­g na ganu’n ang reaksiyon nila, masaya,”saad ng young actress.

“Medyo nakaka-relate ako sa character ko na tahimik lang, mahiyain, konti lang ‘yung mga adjustment­s na ginawa ko,” sabi naman ng young actor.

Dahil sa magandang resulta ng unang tambalan nina Jameson at Janella, hindi imposiblen­g magkaroon sila ng follow-up movie at open ang dalawa rito.

“We’ll see pag may in-offer, doon ko idideal,”mabilis na sagot ng dalaga.

“I’m open for suggestion­s naman,” say ng aktor.

Gustung-gusto nina Jameson at Janella ang eksenang hinahanap ni Karter si Trisha at nang magkita silang muli finally sa restaurant pagkaraan ng dalawang taon, at siyempre kasama si Panti-Panti na naging malaking bahagi sa relasyon nila. Kasama nina Jameson at Janella sa cute na

So Connected ang magaling na batang aktres na si Krystal Brimmer at sina Cherise Castro, Paulo Angeles, Ruby Rodriguez at iba pa.

 ??  ??
 ??  ?? Jameson at Janella
Jameson at Janella

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines