Balita

Abas, aprub bilang Comelec chairman

- Leonel M. Abasola

Inaprubaha­n kahapon ng Commission on Appointmen­t (CA) si Sherrif Abas bilang bagong chairman ng Commission on Elections (Comelec), kapalit ng nagbitiw na si Andres Bautista.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, si Abas ang unang Muslim na naging chairman ng Comelec, at nakatakdan­g magtapos ang termino sa Pebrero 2, 2022. Taong 2015 nang itinalaga si Abas ni dating Pangulong Benigno Aquino III, at nagsilbi ring regional director ng Civil Service Commission sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ang pagtatalag­a kay Abas ay suportado rin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippine­s (CBCP). “Ang inaasahan natin ay maging patas siya, non-partisan, kasi alam mo mayroon ngang isang ginawang halimbawa sa aming discussion sa CA, maaaring napakagand­a ng batas mo, pero kung ang mga nagpapalak­ad hindi naman magagaling ay sayang lang,” ayon naman kay Senador Grace Poe.

 ??  ?? KUMPIRMADO! Kinumpirma na ng Commission on Appointmen­t ang pagkakatal­aga kay Sheriff Abas bilang chairman ng Commission on Elections, kapalit ni Andres Bautista, na nagbitiw noong 2017.
KUMPIRMADO! Kinumpirma na ng Commission on Appointmen­t ang pagkakatal­aga kay Sheriff Abas bilang chairman ng Commission on Elections, kapalit ni Andres Bautista, na nagbitiw noong 2017.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines