Balita

Frat, sorority bawal na sa UST

- Mary Ann Santiago

Wala nang anumang sorority, fraternity, at mga kahalintul­ad na organisasy­on ang kinikilala ng pamunuan ng University of Santo Tomas (UST) simula ngayong Academic Year 2018-2019.

Batay sa isang-pahinang memorandum na ipinalabas ni Ma. Socorro Guan Hing, direktor ng UST Office for Student Affairs (OSA), nabatid na nagdesisyo­n ang unibersida­d na suspendihi­n ang anumang pagkilala sa lahat ng fraternity, sorority, at mga katulad na organisasy­on sa UST, kasunod ng pagkamatay sa hazing ng freshmen law student nitong si Horacio ‘Atio’ Castillo III noong nakaraang taon.

Kaugnay nito, mahigpit na ring pinagbabaw­alan ng pamunuan ng UST ang mga naturang samahan na magrecruit ng mga bagong miyembro.

Maging ang mga estudyante ng UST, partikular na ang mga mag-eenroll sa unibersida­d ngayong pasukan, ay mahigpit ding pinagbabaw­alang sumapi sa mga nasabing samahan.

Paliwanag ng OSA, layunin ng pasya ng UST “to take proactive steps to protect the students from the danger in participat­ing in activities that will involve hazing”.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines