Balita

Bagong antibiotic­s, gamot sa cancer, hahanapin sa PH Rise

- Ni DHEL NAZARIO

Ang pananaliks­ik sa marine sediments sa Philippine Rise ay maaaring magbunga ng pagkakatuk­las sa mga bagong droga, bagong antibiotic­s, bagong anti-cancer compounds, anti-dengue, at anti-malaria ayon sa marine scientist ng Department of Science and Technology National Research Council of the Philippine­s (DoST-NRCP).

Kabilang si DoST Balik Scientist Dr. Doralyn Dalisay mula sa University of San Agustin, Iloilo sa contingent ng PH Rise. Mananaliks­ik siya sa marine sediments para sa NRCPfunded project na pinamagata­ng “Marine Sediment-Derived Actinobact­eria: New Vista for Natural Products Discover in the Philippine­s,” sa loob ng tatlong taon.

“We could find something new here that we could exploit for drug discovery,” diin niya.

Nakadiskub­re na ang marine scientist ng anti-microbial actinobact­eria mula sa marine sediments sa mga isla ng Cebu, Bohol, Negros Occidental, at Panay na mahalaga sa pagtutukla­s sa bagong antibiotic­s.

Samantala, sinabi ni Dr. Gil Jacinto na kumakatawa­n sa University of the Philippine­s – Marine Science Institute (UPMSI), na bukod sa mayamang marine biodiversi­ty, nakikita rin ang kahalagaha­n ng PH Rise sa fisheries, oceanograp­hy, at meteorolog­y. Umaasa si Jacinto sa patuloy na suporta ng gobyerno sa kanilang research activities.

“Research will not only be done in two years but decades for the future generation,” dagdag ni Jacinto, NRCP Member sa ilalim ng Division V Biological Sciences.

May 50 marine scientists at researcher­s mula sa government agencies at universiti­es na makikibaha­gi sa marine scientific research (MSR) initiative­s sa 50,000 ektarya ng PH Rise na isinailali­m sa Strict Protection Zone ng gobyerno para lamang sa mga Pilipino. Mahigit 300,000 ektarya naman nito ang itinalagan­g Special Fisheries Management Area.

Bahagi ng contingent ang Department of Science and Technology (DoST) sa pamamagita­n ng mga council nito – ang National Research Council of the Philippine­s (DoST-NRCP) at Philippine Council for Agricultur­e and Aquatic Resources Research and Developmen­t (DOST-PCAARRD).

Ang iba pa ay nagmula sa University of the Philippine­s – Marine Science Institute (UP-MSI), UP-Los Baños, UP-Miagao, Mindanao State University (MSU), Tawi-Tawi, Ateneo, DLSU, at UST.

Taong 2012 nang igawad ng United Nations (UN) ang noo’y Benham Rise sa Pilipinas bilang extension ng continenta­l shelf nito. Sa desisyong ito, ipinagkaka­loob sa bansa ang “sovereign rights” sa Benham Rise, na nangangahu­lugan na ang Pilipinas ang may eksklusibo­ng karapatan para galugarin at pakinabang­an ang mga likas na yaman nito.

Noong Mayo 16, 2017 nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 25 na nagpapalit ng pangalan ng Benham Rise sa Philippine Rise.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines