Balita

2 kelot timbog sa drug bust

- Bella Gamotea

Dalawang lalaki na hinihinala­ng tulak ng ilegal na droga ang naaresto sa magkahiwal­ay na buy- bust operations sa Pasay at Taguig City nitong Martes ng gabi at kahapon ng madaling-araw.

Sa report ng Southern Police District (SPD), naglatag ng buybust operation ang mga tauhan ng Station Drugs Enforcment Unit (SDEU) ng Pasay City Police sa Humilidad St., Barangay 14, Zone 1, na ikinaarest­o ng suspek na si Joey Victor Gonzales,alyas Joey, 50, dakong 2:15 ng madaling-araw.

Binentahan umano ng suspek ang isang police poseur-buyer ng P500 halaga ng shabu na sanhi ng kanyang agarang pagkakadak­ip.

Nasamsam din kay Gonzales ang isang cliaber .9mm pistol,ilang pakete ng shabu na may street value na P71,000 at P500 buybust money. Nadakip naman sa pangunguna ni Senior Insp. Inomis ang suspek na si Fernando Manuel y Estacio,30,sa kanyang bahay sa No.95 MLQQ St., Bgy. Hagonoy,sa Taguig City,bandang 8:30 ng gabi ng Martes. Nakakulong ngayon ang mga suspek sa detention cell ng naturang pulisya at nahaharap sa paglabag sa Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines