Balita

‘Bello’, kaibigan tiklo sa shabu

- Orly L. Barcala

Inaresto ng mga tauhan ng Valenzuela police ang isang lalaking kaapelyido ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello at kaibigan nito nang mahulihan ng illegal drugs sa inilunsad na “Oplan Galugad”, kahapon.

Kinilala ang mga naaresto na sina Fernando Bello, 32, alyas “Buknoy,” ng No. 6111 Lower Tibagan, Barangay Gen. T. De Leon at Rowen Repalda, 31, ng No. 33 Pineapple St., Barangay Gen. T. De Leon, Caloocan.

Nasamsam sa kanila ang dalawang maliit na plastic sachet na may lamang shabu at isang patalim.

Sa pahayag ni Sr. Inspector Jesus Mansibang, head ng Police Community Precinct ( PCP) 2, dakong ala 1: 33 ng madalingar­aw, nagsagawa sila ng “oplan galugad” sa J. Pama Lower Tibagan, Barangay Gen. T. De Leon.

Namataan nila ang mga suspek na nakatambay pa sa madilim na lugar at nang sitahin sila ng pulisya ay nakumpiska sa kanila ang ilegal na droga at patalim.

Wala naman sa watch list ng Station Drug Enforcemen­t Unit ( SDEU) ang pangalan ng mga inaresto.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines