Balita

Kagawad utas, 1 pa sugatan

- Liezle Basa Iñigo

MALASIQUI, Pangasinan – Timbuwang ang isang barangay kagawad habang sugatan naman ang kasama nito matapos pagbabaril­in sa Brgy. Binalay kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Jimmy de Luna, 51, dead on arrival, habang sugatan naman si Ervin Chiong, 41.

Base sa imbestigas­yon, kausap ng biktima ang kanyang kabaro at ilang residente sa harap ng kanyang bahay nang sumulpot ang suspek at tatlong beses pinaputuka­n si De Luna, bandang 10:20 ng umaga. Nadaplisan naman ng bala si Chiong.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines