Balita

R2.7M pay out para sa 4Ps, tinangay

- Rizaldy Comanda

BAGUIO CITY – Hindi isinasanta­bi ng awtoridad ang posibilida­d na “inside job” ang pagtangay ng mga suspek, na pawang nakasuot ng bonnet, sa P2.7 milyon na pay out para sa mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Tinoc, Ifugao, nitong Martes ng madaling araw.

Nabatid na ini-report nina Marlon Padolnaton Guimangad, Chester Bulayo Guazon at Jeffrey Humiwat Buhyag sa Kiangan Municipal Police Station ang panghohold­ap sa kanila ng hindi pa nakikilala­ng mga suspek sa may Sitio Indalmogan, Barangay Julongan, Kiangan, Ifugao, dakong 2:10 ng madaling araw.

Sa salaysay ng mga biktima, nakalagay sa itim na backpack ang pera at bitbit ni Guazon bago sila sumakay ni Buhyag sa motorsiklo at si Guimangad naman sa isa pang motorsiklo.

Habang nasa daan ay hinarang umano sila ng tatlong armado, tinutukan ng flashlight ang kani-kanilang mukha, bago nagdeklara ng holdap.

Tinangay ng mga suspek bag na kinalalagy­an ng pera, bago tumakas patungo sa Proper, Julongan, Kiangan, Ifugao.

Patuloy ang masusing imbestigas­yon sa insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines