Balita

Retired cop tinambanga­n

- Fer Taboy

Bulagta ang isang retiradong pulis makaraang pagbabaril­in ng riding-in-tandem sa Sta. Maria, Davao Occidental, iniulat kahapon.

Sa imbestigas­yon ng Sta. Maria Municipal Police Station (SMMPS), kinilala ang biktima na si retired SPO4 Epipanio Cumabig, 64, ng Sitio Sulop Barangay Panglad Sta. Maria, Davao Occidental.

Pauwi na umano ang biktima, sakay sa habal-habal, galing meeting ng mga senior citizen nang sumulpot ang riding-in-tandem at pinagbabar­il ang biktima hanggang sa nahulog sa semento.

Agad humingi ng tulong ang driver ng habal-habal at isinugod ang biktima sa ospital, ngunit huli na ang lahat. Humarurot naman ang mga suspek sa hindi batid na direksiyon.

Patuloy ang imbestigas­yon sa insidente.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines