Balita

3 utas, 25 huli sa Bulacan drug raid

- Freddie C. Velez

Tatlo ang patay habang 25 ang nadakip sa magkasunod na antiillega­l drug raid ng Bulacan police kamakailan.

Sa ulat na ibinahagi ni acting police director Senior Supt. Chito G. Bersaluna, ikinasa ang operasyon sa iba’t ibang bahagi ng probinsiya na nagresulta sa pagkamatay ng isang Alias Kuba sa Barangay Sto. Cristo Pulilan, Bulacan; alyas Michael sa bayan ng San Jose del Monte; habang napatay naman sa Calumpit si Ruel Barcelona, na hustong gulang.

Ayon sa awtoridad, natunugan ng mga napatay na suspek na pulis ang kanilang katransaks­iyon at agad bumunot ng baril at pinaputuka­n ang mga pulis na napilitan umanong gumanti.

Narekober sa mga napatay na suspek ang dalawang cal. 38 at 48 na revolver, 20 pakete ng hinihinala­ng shabu at buy- bust money.

Samantala, iniulat din ni Bersaluna ang pagkakaare­sto sa 25 suspek sa droga, kabilang ang ilang menor de edad, na nadakip sa magkakahiw­alay na buy-bust operation sa mga bayan ng Balagtas, Baliuag, Hagonoy, Bustos, Bulakan, Bocaue, San Jose Del Monte, Maycauayan, Plaridel, Obando at Sta Maria. Nakumpiska sa operasyon ang anim na pakete ng hinihinala­ng shabu at buy- bust money. Dinala ang mga suspek at ang mga ebidensya sa Bulacan Crime Laboratory Office para masuri habang inihahanda na rin ang kasong isasampa laban sa mga suspek.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines